UATW 36

1.8K 56 0
                                    

Jennie's Point of View

Nasa classroom na rin ako at nananatiling tahimik. Si Lisa naman ay nasa tabi ko at hindi ako kinakausap. Grabe naman, wala ba siyang pakiramdam? Nakakabadtrip ah.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase. Home economics ang subject namin ngayon at naalala kong magkakaroon pala ng groupings. Ano kaya gagawin namin?

"Good morning." pagbati ni sir sa amin nang makapasok siya. Tumayo naman kami at bumati din sa kaniya.

"You may sit now. Anyway, natatandaan niyo naman ang sinabi ko kahapon diba? Na magkakaroon tayo ng groupings?" sana naman hindi si sir ang magdedesisyon kung kanino dapat kami gugrupo. Alam ko naman kasi na hindi sila sanay sakin e.

"Katulad nga ng sinabi ko. Magkakaroon tayo ng groupings. Magcoconsist lang yun ng dalawang members. Pero mamaya ko pa ipapaliwanag kung ano ang gagawin niyo. I'll give you 2 minutes para makapaghanap ng partner. Dapat tabi na din kayo sa upuan." nakahinga naman ako ng maluwag dahil hinayaan naman kami ni sir na makapili ng partner namin.

Kampante din naman ako kay Lisa, pero sa ngayon ay tatanungin ko pa rin siya kung pwedeng siya nalang kasama ko. Kahit nagtatampo ay sinubukan ko pa rin siyang i-approach. Paglingon ko ay nakita kong may babaeng nasa gilid niya at halatang nahihiya ito.

"Lisa?" tumingin naman dito ang katabi ko at halatang nagulat.

"Why?" tanong nito.

Ayos yan, naunahan akong magtanong sa kaniya. Nakikita ko sa inaakto ng kaklase naming babae ay mukhang may pagtingin ito kay Lisa. Kasi naman grabe siya makangiti at parang kinikilig pa. Napangisi naman ako at hindi na lamang sila pinansin. Pero nanatili pa rin akong nakikinig sa pinag-uusapan nila.

"May kapartner kana ba?" tanong ng kaklase kong babae sa kaniya.

Ang galing Lisa, um-oo kana! Hahanap nalang ako ng ibang makakapartner ko. Kung wala, edi ako nalang mag-isa. Sanay naman akong mag-isa e.

"Bakit?" ay, nagmamang-maangan pa wiya. Imposibleng hindi ka nakinig kanina?

"Aayain sana kita maging kapartner ko sa magiging ac-------"

"May activity?" humarap naman ito sakin at ngumiti.

"Partner tayo?" nabigla naman ako sa ginawa niya, pinilit kong huwag ngumiti.

Kahit na nagtatampo ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang matuwa. Napansin ko naman ang mukha ng babae. Nakasimangot ito at nakatingin sakin saka tinarayan ako. Aba, ano na naman ginawa ko sa kaniya? Ano magagawa ko kung ako ang gustong maging kapartner niya? Ano magagawa ko kung ako ng pinili niya? Napansin ko naman na inaantay nilang dalawa ang magiging sagot ko.

"Okay." tuwang tuwa naman si Lisa sa sagot ko at hindi na ulit lumingon pa sa babaeng nasa tabi niya.

Nakita kong nag walk out naman ito nang nakasimangot. Pinili niya pa rin ako kahit naiinis ako sa kaniya.

"Buti nalang pumayag ka. Ayoko sa kaniya." saka ito nag-pout sa harap ko.

"Sus, gusto mo nga." saad ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Nagseselos ka ba?" lumingon naman ako sa kaniya.

"Hindi ah!" pang-dedepensa ko sa sarili ko. Ngumisi siya atsaka pinisil ang pisngi ko.

"Aray Lili!"

"Ikaw pa rin naman pipiliin ko e, wag kana magselos." natatawa niyang saad sakin.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon