UATW 8

2.2K 68 1
                                    

Jennie's Point of View

"Nandito na tayo." nandito kami sa stall ng mga heels. Hinila agad ako papasok ni Lisa at pinaupo.

"Hintayin mo ko jan, hahanap ako ng babagay sayo." sabi niya ng excited at umalis na. Napabuntong hininga ako. Ano ba nangyayari sakin? Ang weird ng mga nararamdaman ko lately..

"What kind of color do you want?" bungad niya. What?! Ang bilis naman yata nun? Parang kanina lang pinapahintay niya ako. Nakita kong hawak ng sales lady yung mga heels na kulay maroon,red,green,blue and black high heels.

"Sigurado kaba? Paano kasi, di pa ako nakakasuot ng ganiyan." ngumisi siya at umiling.

"Kaya nga sasanayin kita. I know naman na sasama ka sa grad ball these year, right?" ang mahal kaya nun, di nalang ako sumagot sa tanong niya. Nilapag niya ang apat na heels at tumabi sakin.

"Try the red one." ako naman tong si Tanga, ginawa ang utos niya. Agad ko iyon sinuot. Kaso umiling siya, sinukat ko ang green high heels at sumunod ang blue pati na rin ang maroon. Pero hindi pa rin niya nagugustuhan, hanggang sa mapunta na sa Black.

"Now try that one. I think it will suits you."

"Hindi ka pa ba nasasatisfied?" tanong ko sa kaniya.

"No. Suotin mo na." pagkasuot ko ay tinignan niya ako ng seryoso.

"Great! Now stand up." buti nam----tatayo?

"Seriously? Okay na toh Lalice, sige na ito na susuotin ko." sabi ko at dali dali kong hinubad iyon ngunit agad akong pinigilan ni Lisa.

"Suotin mo yan ulit, or else... Ipapabayad ko lahat ng nilibre ko sayo from the start." I saw her smirking. Seryoso ba siya? Hays.. Wala akong nagawa kundi suotin ulit iyon at tumayo.

"Nice.. Napapansin kong gumaganda ka lalo.." ano daw??? Maganda daw ako?! At nakatingin pa siya sa akin ng diretso sa mata. Aaah wait....

We started as friends
But something happened inside me
Now I'm reading into everything
But there's no sign you hear the lightning, baby

You don't ever notice me
Turning on my charm
Or wonder why I'm always where you are

Bat biglang sumakto sa kanta ng westlife 'tong shop na to?? Muli ko na naman narinig ang pagtibok ng puso ko, bakit niya ba sinasabi 'yon? Nababaliw na nga ako, dinagdagan niya pa lalo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito... Tama ba? Baka mali lang talaga ako ng nararamdaman?

"Nini? Hey!" nawala ako sa pag-iisip at agad ibinaling ang atensyon ko sa kaniya.

"H-huh?" napailing siya at tumawa ng bahagya.

"Let me see you walking while wearing that." sabay nguso niya sa suot kong heels, siningkitan ko siya ng tingin. Tinignan ko siya na parang sinasabi na seryoso ka ba talaga?

"Just do it..." tumayo siya at agad hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit. Dugdug dugdug dugdug ... Yan lang ang naririnig ko everytime na ginagawa niya yon. Everytime na hahawakan niya ako ay parang kakaibang kuryente ang nararamdaman ko. Para tuloy ako naiilang.

"I'm here to guide you. Trust me, okay?" I already trust you From the start Lisa----- No!!! I mean as a friend.

Nagsimula akong maglakad ng dahan dahan at dahil nasa isang dangkal ang taas ng heels at feeling ko any moment ay masisira ang takong neto dahil sa nipis at hindi ako sanay ay agad akong natapilok at muntikan nang mapaupo sa sahig, agad niya akong nasalo at inalalayan. Nakaramdam ako ng pananakit sa ankle ko!

Us Against The World (JenLisa)Место, где живут истории. Откройте их для себя