UATW 54

958 18 9
                                    

Jennie's Point of View

Nagising ako nang mapansin kong wala akong katabi sa kama. Agad na hinanap ng mga mata ko si Lisa pero hindi ko siya makita kaya naman bigla akong napaupo. Nakapagtataka lang, ang aga niya ata magising? Kinuha ko ang cellphone ko pati na ang salamin ko sa side table at tinignan ang oras. 9:30 am na pala. Kinusot ko ang mga mata ko at tumayo patungong cr. Naghilamos ako at tinignan ang sarili ko sa salamin.

Wala akong suot na bra. Nanlaki ang mga mata ko, pilit kong inalala ang nangyari kagabi. Basta ang alam ko lang nakauwi na kami. Sa di inaasahan parang sumakit lang lalo ang ulo ko kaya naman hindi na ako nag-abala pang isipin 'yon. Baka tinanggal ko lang talaga ang bra ko no'ng patulog na ako. Pero... Paano kung nando'n si Lisa? Nakita kaya ni Lisa 'yon? Bigla akong nahiya.

Lumabas ako ng cr at naabutan ko si Lisa na kakapasok lang din. Nagulat pa siya nang makita niya ako saka ito umiwas ng tingin at dumiretsong pumasok at ipinatong ang ipinamili niya sa mesa.

"Akala ko matagal ka pang magigising e. Eto bumili ako ng Haejang-guk, para sa hangover mo." natatawa niyang saad saka umupo.

"Anong oras ka nagising?" tanong ko.

"4 am. Hindi kasi ako makatulog kaya tumambay ako ng ilang oras jan sa convenience store tapos nag-tingin tingin na rin ng makakain mo." saad niya habang hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.

Kahit nagtataka man, hindi ko na muna siya tinanong. Sa halip ay umupo nalang din ako at nagsimulang kumain. Pakiramdam ko parang masusuka ako at nahihilo pa rin. Kahit first time ko lang uminom ng alak, parang ayoko na uli ulitin. Dagdag pa ang sakit ng ulo ko. Pagkatapos kong kumain, inabot niya sa'kin ang kape. Masyado siyang maalaga ngayon, nagtataka tuloy ako sa kaniya.

"Ahm.. Lisa?" tawag ko sa kaniya

"Hmm?" tanging sagot niya lang habang hindi ako tinitignan. Kaya naman mas lalo akong nabahala sa mga actions niya.

"Bakit hindi ka makatingin?" Itinaas niya ang ulo niya at tumingin sa'kin saglit at maya-maya pa iniwas niya ang tingin sa'kin.

"Maligo kana muna, mag-gagala tayo mamaya." sabi niya saka tumayo at dinala ang binili niyang banana milk palabas ng motel room. Napabuntong hininga na lamang ako at umiling.

May nangyari ba? Parang ayaw magsabi ni Lisa sa'kin. Pakiramdam ko may tinatago siya sa'kin and hindi ko gusto yun. Atsaka mukhang nahihiya pa siya and I don't even know what's the reason. Instead na sundin ko ang sinabi ni Lisa, pinili ko munang umupo at humigop ng mainit na kape. Pinili kong mag-isip isip muna kasi parang na-aawkward siya sa'kin.

Pinilit kong alalahanin lahat nang nangyari kagabi, basta ang alam ko lang nakauwi kami nang maayos. Bigla na lamang may lumabas na pangyayari sa isip ko. Isang nakakahiyang pangyayari ang dadalhin ko sa buong buhay ko. Gusto kong isumpa ang sarili ko. Di ko alam kung panaginip ba 'yon but suddenly I just remembered that Lisa un-hooked my bra and kissed me passionately. I was so shocked at that moment. Nagtatalo ang isip ko kung totoo ba yun or hindi. Kahit konti lang ang naaalala ko, may pakiramdam pa rin ako na totoo nga ang lahat ng yun. Kasi kung hindi man, hindi iiwas sa'kin si Lisa ngayon. Parang nagcoconnect the dots ang tema ko ngayon.

SHIT!! SHIT!!

It all makes sense now! Kaya pala umiiwas siya sa'kin lately!

Dumiretso ako sa kama at tinakpan ang mukha ko ng unan. Nahiya ako na natakot, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Halo-halo na rin kasi. Ang gulo ko na. Pwede bang umiyak or lamunin ng higaan na 'to? Bakit naman gano'n? May nangyari ba sa'min? Kung meron man edi sana wala akong suot paggising ko. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, tanda na nakarating na si Lisa. Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at nakita ko si Lisa na nagtatakang nakatingin sa'kin.

"Akala ko naliligo kana?" takang tanong niya.

"A-ano.. Kasi malamig yung tubig." sabi ko.

"Babe, there's a hot water naman sa shower." napapikit ako kasi narealize ko na mali ang dahilan na sinabi ko sa kaniya.

Saglit kaming natahimik. Walang gustong mag-open ng topic sa'min. Para bang alam na niya ang reason kung bakit ganito ako mag-react ngayon. Hindi ko alam kung pinapakiramdaman ba namin ang isa't-isa or sadyang wala lang talagang may balak na magsalita sa'ming dalawa. Lumipas din ang ilang segundo, naisipan kong kausapin siya.

"Jennie/Lisa" we both said in unison.

Napakamot si Lisa at tumawa pati ako'y natawa na rin. Pagkatapos tumigil ito at nakita kong huminga ito ng malalim na para bang pine-prepare niya ang sarili niya tungkol sa mga sasabihin niya sa'kin.

"I'm sorry." ito na nga, naramdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Itong issue siguro ang nahihiya akong pag-usapan pero wala naman masama kung magiging open kami sa isa't-isa diba?

I mean... Kailangan talaga namin makipag-communicate sa isa't-isa para mag-work out 'tong relationship namin.

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit na alam ko na kung saan patungo yung usapan namin. She walks towards me and sat at the edge of the bed.

"I'm sorry because I took advantage of you and ang worst pa do'n is nasa weakest point ka pa." hindi ako nakapag-salita. Nahiya ako bigla. Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. Nahihiya man pero sinubukan ko pa rin itanong yung bumabagabag sa isip ko.

"M-may nangyari ba sa'tin?" tanong ko habang hindi pa rin siya tinitignan. Habang nag-aantay sa isasagot niya, hindi ko mapigilan ang kabahan ako ng sobra. Dala na rin ng katahimikan, pakiramdam ko naririnig din niya ang pagtibok ng puso ko.

"Ahm.. Muntik na." maikli niyang sagot.

"Kung di ka mapalagay, sigurado akong hindi naman natuloy 'yon. I came back to my senses last night kaya maaga kong naiwasan yung gano'ng pangyayari." she said in a calm way. Parang nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko yun pero the fact na sinabi niyang muntik na, ibig sabihin may nangyari talaga sa'min pero hindi natuloy!

Napamura ako sa isip ko, so totoo nga talaga yung mga naaalala ko kahit konti lang. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, natahimik nalang ako kasi maski ako di talaga makapaniwalang may nangyari sa'min. Jennie! Ang tanga mo talaga. I mean, bakit ko hinayaan ang sarili kong gawin yun? Nagh-hysterical na ata ako, lahat na ata ng dapat isipin during our first time, naisip ko na. Like nakita niya ba lahat? Gusto ko nalang hampasin yung sarili ko. Para naman matauhan ako sa mga nalaman ko.

"It won't happen again, I promise." inalis ko ang unan sa mukha ko at nakita ko siyang nakayuko. Kaya naman hindi ko na maiwasang ma-guilty din.

Huminga ako ng malalim at sinubukan siyang kausapin. Ayoko naman na maramdaman niya na kasalanan niya lang lahat. Kailangan ko din i-admit sa sarili ko na may kasalanan din akong ginawa. Naging careless ako.

"Sorry din. May kasalanan din ako." tumingin ito sa'kin at ngumiti saka ginulo ang buhok ko.

"Iiwas na talaga ako sa'yo kapag iinom tayo or much better if hindi nalang tayo uminom." natatawa niyang saad. Natawa din naman ako.

I know she's trying to lighten up our moods. Hindi ko lang talaga akalain na magagawa namin yung bagay na yun. Until now, iniisip ko pa rin kung nakita niya kaya ang katawan ko? I mean... Diba sabi niya muntik na? Argh! Nakakahiya pa rin!

"Maligo kana! May pupuntahan tayo ngayon. Sulitin natin 'tong vacation natin." tumango naman ako at tumayo na.

"By the way, I just wanted to tell you that you're sexy." nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko sa kaniya, di ko alam kung inaasar ba niya ako or what kaya naman hinagis ko ang unan sa kaniya. Buti nalang hawak ko pa ang unan at hindi pa ako nakakalayo sa kaniya.

"Lisa naman!" nahihiya kong sabi.

Narinig ko naman siyang tumawa at sumenyas na sa'kin na pumasok na ako ng banyo. Tumakbo ako papasok ng banyo habang di ko mapigilan ang sarili kong mapangiti at ang reason naman no'n ay dahil sa pag-respeto niya sa'kin.. I mean, consent is really important when it comes to this situation. I'm happy because she's still thinking about how I'll feel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now