UATW 44

528 23 2
                                    

Jennie's Point of View

Last day before the sem-break. Nakatambay kami ngayon nila Rosé, Jisoo at ni Lisa sa rooftop para kumain ng Mcdo na in-order ni Jisoo para samin. Kasi nga daw last day na daw yun at mamimiss niya daw kami. Matagal pa kasi bago kami magkikita ulit. Medyo ma-drama ang tema namin ng panahon na yun pero naenjoy naman namin. And by the way, ever since kumalat ang about samin ni Lisa. Nagkaroon na agad kami ng chismis sa buong campus. Ang nakakatawa lang dito ay para bang inaasar pa ni Lisa yung mga students ng Greenfield dahil kapag nakikita niyang masama ang tingin sakin ay nagiging sweet ito sakin at kadalasan ay mas nagiging clingy pa. Na kahit nakatayo lang ako saglit ay yayakapin nalang niya ako ng basta-basta habang nakatalikod ako. Which is mas kinikilig ako sa ginagawa niya.

Feeling ko tuloy sobrang proud siya kasi merong AKO sa buhay niya.

And also, hindi mawawala ang judgements. Makikita mo naman yun sa mga tingin anila.. Pero sabi nga nila, kapag pumasok ka sa ganitong klase ng relasyon ay expected mo na talaga na ganito ang matatanggap niyong reaksyon.

"Balak ko talaga magbakasyon sa London." sabi ni Rosé habang ngumunguya.

"Yuck ka talaga Chaeng. Tumatalsik yung kinakain mo oh!" inirapan lamang siya ni Rosé nang sabihin iyon ni Jisoo.

Nagtawanan naman kami dahil sa pang-iirap ni Chaeng sa kaniya. Anyway, about samin ni Lisa. Okay na okay kami. Araw-araw ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. Madalas ay bumibisita siya sa bahay para magdala ng pagkain pati ang pinamili niyang damit ay ibinibigay niya sakin, minsan ay inaaya niya akong makipag-date after class. Pero mas gusto ko yung times na natambay lang siya sa kwarto ko at nakikipag kwentuhan sakin habang yakap ako. Madalad naman ay ninanakawan niya ko ng kiss kaya ang nangfyayari tuloy, nahahampas ko siya ng unan kasi ayokong makita niyang namumula ako.

Masasabi kong masaya kami. Sinabi niya na rin sakin na nililigawan niya ko. And until now, hindi ko pa rin siya sinasagot. Gusto ko kasi makita kung hanggang saan niya kayang maghintay.

Pero sure naman akong sasagutin ko siya, pero hindi pa ngayon. I'm still waiting for the right time.

"Ikaw Lisa? Saan ka magbabakasyon?" tanong ni Jisoo.

"Daegu, South Korea. Namiss ko dun e." sagot naman ni Lisa.

Maya-maya pa ay nagtinginan silang tatlo sakin nang may pagtataka sa mga mukha nila. Problema ng mga 'to? Parang kanina lang ay si Lisa ang kinakausap nila.

"Ikaw Jen? San ka magbabakasyon?" tanong naman ni Chaeyoung sakin.

Kahit kailan talaga ay hindi ako makakarelate sa mga gantong klase ng usapan. As usual sa bahay lang ako the whole sem-break or naghahanap ng work to help my mother na rin. Atsaka alam naman na nila kung ano ang status ng life ko. Obvious naman na hindi ko afford ang magbakasyon sa states tapo tinatanong pa ako kung saan ako magbabakasyon.

Mga baliw talaga 'to.

"Sa bahay lang. Atsaka maghahanap muna ng trabaho para makaipon." sabi ko sa kanila.

"Taray ng girlfriend mo Lisa, ang sipag!" sabi ni Rosé sa kaniya.

"Tanga! Pinangunahan mo na naman e!" sabi ni Lisa.

"Sus. Magiging kayo din naman, pinatagal niyo pa." sabi ni Jisoo habang nakain at napatingin sakin.

"Oo nga naman. Kailan mo ba kasi sasagutin itong si Lisa? Obvious naman na mahal niyo yung isa't-isa." sarcastic na sagot ni Chaeng.

Wala naman ako maisagot dahil na rin sa hiya kaya napayuko nalang ako.

"Naiintindihan ka namin, charr lang yun noh! Take your time lang mga vakla!" sabay kain ni Jisoo ng fries.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now