UATW 27

1.7K 54 7
                                    

Lisa's Point of View

"Masama ang manakit, alam mo ba yun?" nakita ko si Vernon na hinila si Jennie palapit sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko, samantalang nakikita ko na silang nagkakagulo. Samantalang nakikita ko nang umiiyak si Jennie. Samantalang nakikita ko na siyang sinasaktan at pinagkakaisahan. Pero wala pa rin akong ginagawa para ipagtanggol siya.

Nandito pa rin ako.

"I don't care! She deseve that because she's a gold digger!"

"She's not a gold digger, for your information. So stop judging her." sabi ni Vernon dito.

Dapat ako ang nanjan sa pwesto ni Vernon ngayon. Dapat ako ang nagtatanggol sa kaniya pero bakit hindi ko magawa? Naaawa ako kay Jennie. Nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang umiiyak.

Ilalayo na sana ni Vernon si Jennie pero hindi na ako makatiis at tumayo ako saka hinawakan ang wrist ni Jennie para pigilan sila.

"Don't touch her." seryoso kong sabi dito habang tinititigan si Vernon.

Hindi rin niya inaalis ang tingin niya sakin na para bang isa akong malaking hadlang sa gagawin niya.

Hindi kita bibitawan Jennie hangga't hindi ka niya binibitawan

Naramdaman ko ang pag-alis ni Jennie sa pagkakahawak ko sa kaniya saka nila ako iniwan.

Natulala ako. Ang bigat sa pakiramdam. Sigurado akong masama ang loob sakin ni Jennie dahil sa ginawa ko. Bakit ko nga ba ginawa yun? Bakit ko nga ba siya hindi tinulungan nung kinailangan niya ako kanina. Hinayaan kong lamunin ako ng galit ko. Nang inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kaniya ay bigla ako nakaramdam ng sakit.

Alam kong nililigawan na siya ngayon ni Vernon. Paano ko nalaman? Kay Rosé at Jisoo. Nakita nila akong nakatambay sa field kaya nagkwento na rin sila sakin.

Naikuyom ko ang aking kamay at hinarap ang babaeng nanakit kay Jennie kanina. Kahit dito man lang ay maibawi ko siya. Napansin ko naman ang pagtitig ng mga kaklase namin maging ang mga nasa labas ng room ay nakikichismis na din sa nangyayari.

"That nerd! Kinakalaban na niya ako ngayon dahil alam niyang may kakampi siya!" narinig kong nagtawanan ang mga estudyante sa loob.

"Just accept the fact na tinamaan ka sa mga sinabi niya." I said to her.

"Ako matatamaan?! Makikita niya ang hinahanap ng Jennie na yun!!" Balak niya sana sundan si Jennie kaso agad ko ito hinawakan sa braso. Nakatingin naman ito ng masama sakin na para bang ayaw na ayaw siyang hinahawakan ng iba.

"Hey! Don't touch me!" saka ito nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kaniya. Pero hindi ko ito binitawan, sa halip ay mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa braso niya.

"O-ouch!"

"Sa tingin mo ba hahayaan lang kita na sundan siya?" seryoso kong saad habang hindi siya tinitignan.

"At bakit?! Nakikita mo ba Lisa? Nakikipagkaibigan lang siya sayo dahil mayama-------" hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya.

"What the hell?" tanging nasambit niya, habang hawak ang pisngi nito. I just give her a smirk.

"Why did you slap me??! Siya ang kaaway hindi ako! Totoo naman diba?! Pineperahan kalang niya!!!! PERA LANG ANG HABOL NIYA SAYO!!!"

Us Against The World (JenLisa)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora