UATW 20

1.9K 54 2
                                    

Lisa's Point of View

"Such an idiot! Alam mo naman hindi ikaw ang kausap pero ikaw ang sumasagot. Gago kaba?" sabi sakin ni Rosé habang naglalakad kami paakyat.

"You better say sorry to her." gatong pa ni Jisoo.

"Yeah you should! But still, you're an idiot!" tumango tango lang si Jisoo sa sinabi ni Rosé. Hindi ko alam kung pinagtutulungan ba nila ako or what?? Pero kasi nakakainis lang!

"Don't call me idiot, you dumb!" nakasimangot pa rin ang mukha ko.

"Whatever Limario!" sabay taray niya sakin.

"Stop calling me Limario!" sabay hampas ko sa balikat niya. Nasaktan naman siya dun at hinihimas ang balikat niya na hinampas ko. Buti nga sa kaniya.

"Let's go Jisoo. Parang ewan kasi itong si Limario e! Che!!" sabay hila niya kay Jisoo at iniwan ako. For sure sa ibang hagdan sila dadaan. Tsk... Ano ba kasi nagawa ko? Di ko naman alam na ma-ooffend na ngayon si Jennie. First time ko lang siyang makitang mag walk out.. Naiinis kaya siya sakin?

"Sh*t!" saka ko ginulo ang buhok ko. Nagtataka kayo kung bakit ganun ang reaksyon ko kanina? Nagselos lang naman ako. And also naiinis. Aaaaaah!!! Badtrip! May lumalapit na kasi kay Jennie. Feeling ko nililigawan na siya ngayon ng Vernon na yun.

Napatigil ako sa paglalakad.

Bakit ba ako nagseselos, wala namang kami? At hindi naman siya papatol sa babaeng katulad ko.

"Lisa! You're an idiot!" tanging saad ko nalang sa sarili ko. Dali dali akong umakyat para magsabi ng sorry sa kaniya. Nang nasa tapat ako ng room ay agad din naman ako pumasok pero wala akong nakitang Jennie Kim sa inuupuan namin. Nasaan naman kaya yun? Naglakad nalang ako papunta sa pwesto ng upuan namin saka umupo. I decided na ilapag nalang yung baunan ni Jen sa mesa niya saka ako umub-ob sa at natulog muna.

"Class dismissed, don't forget our quiz tomorrow." pagkarinig ko nun ay napaupo ako ng maayos, nakita kong nag-aayos na sila ng gamit nila samantalang ang teacher naman namin ay umalis na. Wait. Ilang oras ba ako nakatulog?? Fck inabot ako ng uwian. Tinignan ko ang katabi ko at nakita ko siyang nag-aayos na rin ng gamit niya.

Bakit hindi niya ako ginising? Ah oo nga pala! Galit pala siya sakin. Kakausapin ko na ba siya? What if hindi ako pakinggan ni Jennie? What if di niya ako pansinin? Aaaaah! Ang dami kong what ifs...

Nang matapos ni Jennie ayusin ang gamit niya ay agad siyang tumayo at naglakad. Iniwan niya ako dun na para bang wala lang ako sa kaniya. Sa una ay nabigla ako pero narealize ko na kailangan ko siyang habulin kaya naman kinuha ko ang bag ko at agad siyang hinabol.

"NINI!" Hindi man lang nya ako pinansin o nilingon man lang.

"JENNIE?" muli kong tawag sa kaniya, this time sa pangalan niya naman.

"JENNIE KIM!" hindi pa rin niya ako nililingon. Paano ko ba makukuha ang atensyon mo? Paano ba kita mapapatigil sa paglalakad mo? Wala na akong magagawa..

"JENNIE KIM!!!! I'M SORRY!!" nakita ko na natigilan ito sa paglalakad pero hindi ito lumingon man lang sa kinatatayuan ko.

"I'M SORRY!!! I KNOW IT'S MY FAULT! I KNOW THAT I'M WRONG!!" nagsimula nang magtinginan ang mga dumadaan at ang iba naman ay bumubulong pa.

"HEY!!! I SAID I'M SORRY!!!" humarap ito sakin at naglakad papunta sa pwesto ko. Hinawakan niya ang wrist ko atsaka niya ako hinila.

"Hey. Wait, bakit mo ako hinihila?" pinipilit ko ang sarili ko na hindi ngumiti pero mukhang hindi ko kaya.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now