UATW 42

967 43 4
                                    

Jennie's Point of View

Sa wakaaaas!!! Natapos na din akong mag-ayos. Agad akong tumayo at inunat ang katawan ko. Grabe ilang oras ba akong nakaupo? Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinignan ang oras.

3:30 pm

Hindi ko akalain na sobrang tagal ko palang nakaupo at nag-aayos. Hindi naman ako nagutom kasi may dala dala naman akong biscuit at kinakain yun habang may ginagawa. Sinubukan kong buhatin ang box para ilagay ito sa gilid ng table ni sir..

"Ay nako Ms. Kim! Ibaba mo yan, kababae mong tao binubuhat mo yung mabibigat?" nakita ko naman si sir na naglalakad ng mabilis papunta sakin.

Agad naman niya iyon kinuha mula sakin at inilapag sa table niya.

"Ang sabi ko lang sayo, kapag natapos mo na ayusin yan. Pwede kana umuwi, hindi ko sinabing buhatin mo yan pagkatapos mo mag-ayos." sabi ni sir nang may halong panenermon.

"Sorry sir." nakayuko kong tugon sa kaniya.

"Hindi kita pinapagalitan." Tinignan ko siya at nakita kong nakangiti ito sakin.

"Here.." nakita ko ang sobre na hawak niya atsaka inabot ito sakin. Expected ko na talaga na may laman ang sobre na inaabot niya.

Karamihan sa mga teachers dito mag-aask ng tulong sakin at 'pag natapos na yung pinapagawa nila sakin, it's either manlilibre sila ng pagkain o magbibigay sila ng pera. Kahit ilang beses na ako nakakatanggap sa kanila, di ko pa rin maiwasang mahiya.

"Sir, wag na nakakahiya." sabi ko.

"Just take it.. Alam kong kailangan niyo din yan." sabi niya habang nakangiti pa rin siya sakin

Nagdadalawang isip din naman akong tanggapin yun.

"Tanggapin mo na, Ms. Kim. Kung ayaw mo, i-ddrop kita sa klase ko." pabirong pagbabanta niya sakin.

Alam ko naman na hindi niya intensyon na takutin ako. Pero dahil mapilit na din naman si sir, tinanggap ko nalang din.

"Thank you sir." sabi ko saka ko kinuha ang inabot niya saking sobre.

"You're welcome. Sige na, pwede kana umuwi at magpahinga. Salamat ulit. Ingat ka iha." masaya akong kinuha ang bag ko at naglakad na palabas ng pinto.

Saktong pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Lisa na nakangiti sakin. Sinusundo niya 'ko? Akala ko nauna na siyang umuwi. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Alam mo ba yung pakiramdam na pagod ka tapos bigla nalang nawala nang makita mo yung mahal na mahal mo na nag-aantay at nakangiti sayo.

"Hey beautiful." naglakad siya palapit sakin

"Beautiful ka jan?" ang landi ko naman. Sino ba naman hindi kikiligin kapag tinawag kang Maganda ng taong mahal mo diba?

Nakakataas lang ng self-confidence.

"Totoo naman e. You're beautiful." ngumiti muli ito. Kaya naman napayuko ako.

"Anyway, let me take your bag." kukunin na sana niya ang bag ko pero pinigilan ko siya.

"Wag na Lili, hindi naman kita katulong para gawin mo yan." natawa naman siya ng bahagya.

Us Against The World (JenLisa)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz