UATW 37

1.7K 56 1
                                    

Jennie's Point of View

Nakarating na rin kami ng mall at hanggang ngayon ay nandito pa din kami at naglalakad. Di ko alam kung ano ba dapat sabihin sa first date ko?

Eh hindi ko naman ginusto 'to.

"Gutom kana ba?" tanong niya sakin. Umiling naman ako bilang sagot sa kaniya.

"Hindi pa." nakangiti kong saad, pero sa minalas-malas ka nga naman ng pagkakataon. Bigla na lamang ako nakaramdam ng gutom at ang mas nakakahiya dito ay nag-ingay ang tiyan ko na para bang isang halimaw.

Nagulat naman si Vernon, dahil nakita kong tumaas ang dalawang kilay niya.

"HAHAHAHAHAHAHA!" humagalpak siya sa kakatawa dahil sa nangyari sakin. Ay leche! Tinawanan pa ako ng lokong 'to, pwede naman na balewalain nalang niya iyon. Grabe naman, malas talaga Jennie.

"Hindi ka talaga gutom ah? HAHAHAHAHA!" panay pa rin ang tawa nito. Hinampas ko siya para naman tumigil na ito sa kakatawa.

"Oo na gutom na ako! Wag kana jan tumawa ng tumawa Vernon. Nahihiya na ako oh!" nakita ko naman na pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.

Ay jusko! Ang lakas makakuha ng atensyon ng lalaking ito. Kulang nalang kasi ay humiga na siya sa kakatawa e. Kung pwede nga lang sabihin sa kanila na hindi ko siya kilala ay nagawa ko na. Napailing na lamang ako at sumimangot.

Nang maramdaman niya na seryoso ako ay tumigil na siya sa kakatawa at umayos ng tayo. Pinunasan niya ang luha sa gilid ng mata niya at tinignan ako na parang nagpipigil pa siya ng tawa.

"Ayan ka na naman!" naglakad na agad ako dahil nahihiya ako sa nangyari sakin.

"Bunny! Sorry na." paghahabol niya sakin. Hindi ko siya pinapansin dahil nabadtrip ako. Nagulat na lamang ako nang bigla niya ako hilahin.

"Huy! Saan tayo pupunta?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Saan mo ba gusto kumain?" tumigil ito at nakipagtitigan sakin. Umiwas naman din ako ng tingin

"Bakit ako magdedecide?" tanong ko

"Kasi ikaw ang masusunod." natatawa pa niyang sabi sakin.

"Bakit ako? Akala ko ba ikaw?" sagot ko sa kaniya habang hindi pa rin siya tinitignan.

"Bakit ka ba kasi nakayuko? How can I see your beautiful face?" nakaramdam naman ako ng hiya dahil never talaga ako nasanay na tawaging maganda.

Alam mo naman yung ganung feeling diba? Yung tipong hindi mo alam ang isasagot mo kapag sinabihan kang maganda ka or ang ganda mo. Hindi mo alam kung magtthank you ka ba o ibabalik mo sa kanila yung compliment na yun.

Dahil nahihiya ako sa kaniya ay nag-isip ako ng idadahilan ko sa kaniya.

"Ang ganda kasi ng tiles. Tignan mo!" pagtuturo ko sa mga tiles.

Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya. Oo na, alam ko nang hindi ko siya napaniwala.

"So saan nga tayo?" muli niyang tanong. 

"Kahit saan?"

"Walang restaurant or any fastfood na Kahit saan dito." tinignan ko siya ng masama, habang siya naman ay nakangiti sakin.

"Oo na, ako na pipili." nag-isip ako saglit at maya-maya pa ay nakapagdesisyon na ako.

"Sa Mang Inasal nalang tayo." suggest ko sa kaniya.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now