UATW 6

2.1K 57 2
                                    

Jennie's Point of View

Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko nang maramdaman ko ang pagbalik ng yakap niya sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman to. Hindi ko maipaliwanag. Naguguluhan ako pero natutuwa ako dahil may nagpaparamdam sakin na deserve ko din maging masaya, at masaya ako dahil si Lisa ang nagpaparamdam sakin nun. Sobrang saya ko dahil nakilala ko ang babaeng niyayakap ko ngayon.

"Hala!!" humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

Ilang oras ko na ba siya niyayakap? Di naman siguro matagal no? Jusko!!! Nakita ko ang reaksyon niya, nagulat siya. Pfft.. Ang Cute naman. Atsaka nung niyakap ko siya, amoy na amoy ko ang perfume niya. AAAAAH!! Ang bango sis! Laging fresh!! Bakit? Ganun naman talaga pag niyayakap ka, naaamoy mo yung pabango na gamit niya.

"Baka hinahanap kana sa inyo. Umuwi kana Lalice!!" sabi ko sa kaniya. Baka kasi nakakaabala ako e. Nakakahiya naman kung ganun diba.

"Okay fine. Ayaw mo bang ihatid na kita?" tanong niya sa akin.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Nakakahiya kasi kung ihahatid niya pa ako sa bahay namin. Masyado na ako nakakaabala sa kaniya.

"Take care..." maikli niyang sinabi sakin at sumakay na siya sa motor niya. Sinuot na niya ang kaniyang helmet at handa nang umalis. Tumalikod na ako at naglakad na ng bigla niya akong tawagin.

"Jennie!" lumingon ako sa kaniya at hinintay siya na magsalita. Bakit naman kaya niya ako tinawag?

"I just want to get your phone number." pagkasabi niya nun ay kinuha niya ang phone niya sa bulsa at iniabot iyon sakin.

Bakit parang napapangiti ako? Teka Jennie! Wag kang ngingiti. Pigilan mo lang. Act normal. Pero sa totoo lang, hindi ko mawari sa sarili ko kung bakit parang kinikilig ako nang hingin niya ang number ko ngayon. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa!

Agad ko naman kinuha ang phone niya. Wow, sana all mamahalin ang cellphone. Pagkakuha ko ay tinype ko na ang number ko saka sinave ito. Binalik ko ang phone sa kaniya at kinuha naman niya iyon at muli niya ito ibinalik sa bulsa.

"Thanks sa libre Ms. Kim, ingat ka sa pag-uwi." sabi niya sa akin na nakangiti.

"Loko, sila dapat ang mag-ingat sa akin noh!" saka ko pinakita ang muscle ko na hindi naman malaki at kahit wala naman talaga akong muscle na kasinglaki ng mga athlete.

"Malakas kaya ito." pagmamayabang ko sa kaniya. Nakita ko siyang tumawa at napailing sa mga sinabi ko. Tumawa na rin ako at kumaway sa kaniya..

"Alis na ako. Hahahahaha baliw ka na naman eh. Sarap mong ihagis sa mars." natatawa niyang saad sakin. Pinakita ko sa kaniya ang kamao ko at tinignan siya ng masama.

"Subukan mo lang! Ito makakaharap mo." nakita ko siyang tumawa ulit. Pinaandar na niya ang motor at kumaway sa akin saka umalis.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay nagsimula na ako pumunta sa sakayan ng Jeep upang makauwi na. Natutuwa ako dahil kahit papaano ay nagagawa ko na ngayon pangitiin ang isang Lisa Manoban.

***

Nakarating na ako sa bahay namin. Naabutan kong walang tao pagpasok ko. For sure nagtatrabaho ngayon si nanay. Naisipan ko nalang din umakyat nalang at pumunta sa kwarto ko upang magbihis at makapagpahinga. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong humiga sa kama.

"Hindi naman sa ganun.. Baby lang naman sinusubuan e, kaya bakit susubuan mo pa ako? Do I look like your baby?" tanong niya sa'kin. Pfft, baby lang ba pwede subuan?

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now