UATW 43

1.8K 55 0
                                    

Jennie's Point of View

Nasa kusina na kami ni Lisa ngayon. Nandito siya sa tabi ko at nagpapaliwanag sa mga dapat gagawin habang nagbebake. Hindi naman din ako makapagfocus dahil nakatingin lamang ako sa kaniya.

Kahit anong focus ang gawin ko, matutulala nalang talaga ako lalo na nang makita kong nakatali ang buhok nito, yung bangs niya ang cute tignan at nakasuot pa siya ng kulay pink na apron na mas lalong nakapag-paattract para sakin. Parang kanina lang iniimagine ko na may suot siyang apron tapos ngayon nakikita ko na siya na suot yon. She's indeed a girlfriend material.

Napansin niyang hindi nakatuon ang atensyon ko sa ginagawa namin, nahuli niya kasi akong hindi nakatingin sa ginagawa namin.

"You've got to be kidding me." saka ito tumingin ng seryoso.

"Hindi ka nakikinig." nakasimangot niyang sabi sa'kin.

"A-ano.. Kasi... Bakit ang seryoso mo magturo?" ngumisi ito at umayos ng tayo.

"Wag ka muna sakin mag-focus. Alam kong maganda ako. Pero pwedeng mamaya mo na ako titigan, pagkatapos ng ginagawa natin?"

"Ang hangin mo din ah." natawa naman siya at nagsimulang magpaliwanag ulit sakin.

Pilit ko nalang din itinuon ang atensyon ko sa pakikinig at pag-iintindi sa mga instructions niya kahit na may part sakin na gusto ko nalang siya titigan buong araw.

"Hala ang ganda!" natutuwa kong saad habang nilalagyan na ni Lisa ng icing ang cake na ginawa niya.

Oo siya lang ang gumawa ng lahat. Pinapanood ko lang kasi siya sa pagbebake. Ayoko naman makialam kasi gustong gusto ko na panoorin siya, lalo na kapag seryosong seryoso siya sa mga ginagawa niya. Kung pwede nga lang na picturan siya, nagawa ko na. Kaso wala naman akong cellphone na malinaw ang camera. Medyo matagal din ang oras sa pag-aantay namin kanina. Nang matapos ito sa paglalagay ng icing ay kumuha na siya ng strawberry at inilagay ito sa ibabaw ng cake bilang toppings.

"Alam mo bagay sayo maging chef." sabi ko.

" Actually, I'm planning to take culinary in college. Kaso..."

"Bakit Lili? May problema ba?" tanong ko. Bakas sa itsura niya ang lungkot.

"My parents want me to take Business Administration which is hindi ko naman gusto." nahihiyang paliwanag niya.

"Kapag kinuha ko ang course na gusto ko, sure naman akong magagalit sila sakin."

Nasabi na ni Lisa na may business sila ng family niya, kaya siguro siya pinapakuha ng course na Business Ad kasi gusto nilang si Lisa ang mag-manage sa business nila. Hindi ba nila kayang hayaan na magdesisyon si Lisa para sa sarili niya? Naalala ko pa no'ng araw na pinilit ko pa siyang sumali sa dance club kasi ayaw niya dahil lang sa tutol ang parents niya sa gusto niya. Hindi ba siya nasasakal sa sobrang strict ng parents niya?

"Bakit ayaw mo kunin ang gusto mong course? Ayaw mo ba maging masaya sa pinili mo?" sagot ko dito.

"Wag mo na isipin yun." saka siya ngumiti.

"Anyway, tapos na 'ko. Gusto mo na ba kumain?" halata ang pag-iiba niya ng topic. Hindi ko naman siya mapipilit kung ayaw niya pa pag-usapan yun.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon