UATW 16

1.8K 67 2
                                    

Jennie's Point of View

Sabay naming tinignan kung sino man ang naghahanap sakin. At laking gulat ko dahil may lalaking naghihintay sakin sa labas ng classrom. Inalis ni Lisa ang pagkaka-akbay sakin. Nakaramdam na lamang ako ng lungkot.

"Hi, it's nice to see you again Jennie." ngumiti ito sakin and yes. Tama kayo ng hinala, it's Vernon.

Tumingin ako kay Lisa at nakataas ang kanang kilay nito. Para itong nagtataray pero ang hot niya pa rin tignan jan. Teka nga ano ba meron? Hindi ko naman sinabi ang room ko diba? Hindi naman e. Paano niya nalaman?

Stalker ko ba 'to? Kasi naccreepy-han na ako sa kaniya.

"Ano ginagawa mo dito?" nagsimula na agad akong magtanong sa kaniya.

Hindi pa man siya nakakasagot sa una kong tanong ay agad naman akong nagtanong ulit. "Atsaka, hindi ko naman sinabi sayo kung saan ang room ko ah? Paano mo nalaman kung nasaan ako?" tumawa naman ito.

"Okay, calm down. I'm here to fetch you. You're gonna tour me in this campus remember? And about your question awhile ago, I saw you running towards this room earlier that's why I came here..." hindi ko man lang napansin yun.

Atsaka oo nga pala!! Nakalimutan kong sasamahan ko pala siyang i-tour ang campus, nangako pala ako sa kaniya kahapon. Pero gusto ko makasama si Lisa. Pwede bang iba nalang? Ituro ko nalang kaya siya sa iba? Mas gugustuhin ko pa na sumama kay Lisa kaysa sa kaniya..

"So... Let's go?" tinignan ko si Lisa at hinintay ang magiging sagot niya.

Please Lisa wag mo ko papayagang sumama sa kaniya. Aaaah wag please! Diyan nalang ako sa tabi mo. Tumango naman siya bilang sagot.

Akala ko di siya papayag. Nagkamali lang pala ako.

"Just bring her back after break time."

"Yeah sure. Let's go, Jen?" saad muli nito sakin. Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang kay Vernon.

Muli kong tinignan si Lisa at naglalakad na siya ng mag-isa.. Gusto ko sana siya habulin kaso ano magagawa ko? Pumayag din naman siya at nangako din ako dito kay Vernon. Napabuntong-hininga nalang ako.

Nandito kami ngayon sa field, kalahati palang ng campus ang naipapakita ko sa kaniya. Music Room, Basketball court, Library, etc. At ang daldal niya pa. Kahit hindi ko siya masyado tinatanong o kinakausap. Tuloy tuloy pa ang pagsasalita niya ng english kaya hindi ako masyado nagsasalita. Hindi rin kasi ako kumportable sa kaniya.

"Thank you for the wonderful tour, Jennie" sabi niya ng nakangiti.

"Wala yun. Basta wag mo na ako balikan bukas ah?" sabi ko, tumawa naman siya at tumayo na.

"Let's go back now, for sure your bestfriend is waiting for you." sumang-ayon naman ako. Buti naman! Tumayo na rin ako at agad naglakad at iniwan siya.

"Hey wait up!" ano naman kaya gusto niya?

"Hatid na kita?" wow!! Marunong naman pala magtagalog si Kuya pero mas pinili niya na magsalita ng English? Ayos yun ah. Nauto ako.

Us Against The World (JenLisa)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz