UATW 30.3

1.8K 52 6
                                    

Jennie's Point of View

"Sakay tayo ng Ferris wheel?" pag-aaya ni Chaeyoung.

Yes, nagprovide ang school namin ng Ferris wheel. Yaman noh? Pero hindi naman iyon ganun kalakihan. Itong year lang ako nag-enjoy sa foundation day, dahil sa totoo niyan ay hindi talaga ako dumadalo dito noon. Wala rin kasi akong kasama at pakiramdam ko ay maboboring lang ako. Pero ngayon may mga kaibigan na ako at nandito na din si Lisa. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"Ayoko nga! Takot ako sa matataas. Baliw ka talaga." sagot ni Jisoo dito.

"Ako hindi e. So ano? Gora?" tumigil siya at humarap saming tatlo.

"Dahil lima tayo.. Vernon gusto mo ba sumama samin?" tanong ni Jisoo.

"I'll come with Jennie." nagkatitigan ang dalawa at para bang nag-uusap ito gamit lang ang mga titig nila sa isa't isa. Muli siyang tumingin kay Vernon.

"Are you sur---"

"Yes.." seryosong sagot ni Vernon.

"Let him be." sagot ni Lisa dito.

Bakit parang nakakaramdam ako na hindi maganda ang mangyayari? Bumili na si Jisoo ng ticket at agad naman din kami pumila. Unang sumakay sila Jisoo at Chaeyoung at pagkatapos ay kami namang tatlo. Nang makasakay kami ay wala akong narinig na isang salita galing sa kanila. Para bang hindi ko kaya magstay sa sitwasyon na ganito. Ang awkward.

"Nini?" narinig ko ang pagtawag sakin ni Lisa kaya naman ay napalingon ako dito. Nakita ko siyang umusog palapit sakin.

"Tignan mo yun oh." tsaka niya tinuro ang labas.

Nang tignan ko ang nasa baba ay namangha naman ako. Ang ganda pala tignan mula dito sa taas ang mga estudyanteng nagkakasiyahan sa araw na 'to.

"Ang ganda noh?" tumango ako bilang sagot.

"Alam mo kung ano ang mas maganda?" tumingin ako sa kaniya nang tanungin niya yun sakin. May mas gaganda pa ba dito sa view namin sa itaas?

"Ang makita kang masaya at nakangiti." natulala ako nang sabihin niya yun sakin

At sa oras na yun ay naramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Halos makalimutan ko na ang huminga. Jusko Lisa!!! Hindi ko akalain na sasabihin mo 'to sakin ngayon. Gusto kong tumili. Gusto kitang yakapin. Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko dahil sa mga ginagawa mo ngayon. Para akong mababaliw nang makipagtitigan ka din sakin nang may marinig akong umubo. Parehas tayong umiwas ng tingin sa isa't-isa.

Nasa field na kami ngayon. Dito kasi gaganapin ang event. Ayos na ang stage, may mga upuan na para samin na mga manonood. It's a pageant of Ms. Greenfield Academy event. Sa ilang taon ko na din na nag-aaral dito, nakita ko na rin si Jisoo na sumali dito kada taon. Hindi ko nga akalain na makakausap niya ako dahil sikat talaga siya sa campus. At sa bawat taon na yun ay hindi nagbabago ang pagiging sexy ni Jisoo. Maging ang ibang contestants ay magaganda din ang hubog ng katawan. Okay lang, manonood ako kahit nahihiya ako at nakakaramdam ako ng inggit sa katawan ko.

"GOOD AFTERNOON EVERYONE!" sabi ng emcee.

Magsstart na pala ang pageant. Kasama ko si Vernon ngayon habang hawak ko pa rin ang stuff toy. Sila Lisa and Rosé, naghahanda na rin para sa performance nila.

"ARE YOU READY TO START THE PAGEANT , GREENFIELD STUDENTS?" kaniya-kaniyang nagtilian ang mga nanonood. Samantalang ako? Nanonood lang at inaabangan na rumampa ang kaibigan ko.

"Pero syempre, bago yan. Panoorin muna natin ang wonderful performance galing sa Dance Club!" sabay sabay na nagpalakpakan ang mga tao.

Isa-isang lumabas ang mga members and nakita ko agad si Rosé at Lisa. Nagtatawanan sila habang naghahampasan pa. Napansin ko ang suot niya. Naka black Crop top siya. Nakikita ko ang kasexyhan niya ngayon. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa kaniya. After nila mag-asaran ni Chaeng, nagseryoso na sila at pumunta sa kani-kanilang pwesto. Nagsimula nang magplay ang music.

Us Against The World (JenLisa)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin