UATW 30.4

1.8K 59 3
                                    

Lisa's Point of View

"Naks naman Limario! Sisikat kana ba niyan kasi may solo dance ka kanina? Ayiiiiiie?" sabi sakin ni Rosé habang tumatawa.

"Siraulo!!" sabay hampas ko sa kaniya.

"Aray ha?!!" natawa nalang ako sa reaksyon niya.

Naisipan ko na hanapin si Jennie. Saan ba siya nakaupo? Nakita ko siya na nanonood samin kanina, napapangiti ako at tuwang tuwa dahil napapansin ko na sakin nakafocus ang mata ni Jennie. Para bang mas lalo akong ginanahan no'n nung makita ko siya.

"Looking for Jennie?" ngumisi si Chaeyoung at may pagtaas baba pa ng dalawang kilay niya. Mang-aasar na naman toh tsk. Parang walang araw na hindi niya ako inasar.

"Nakita ko siya. Ayun oh!" sabay turo niya.

Agad ko tinignan yung direksyon na tinuturo ni Chaeyoung at nakita ko si Jennie na nakatayo at nagmamadaling maglakad paalis sa kinauupuan niya. Katabi niya din no'n si Vernon. Tss.. I really don't like that guy. Para bang akala mo mabait siya pero may tinatago palang masamang ugali..

Anyway, yung about dun sa mga nangyari sa Ferris wheel? Sinadya ko talaga na maging clingy kay Jennie nung nandun kami. Gusto ko kasing makita ni Vernon na hindi ko hahayaan ng basta-basta si Jennie sa kaniya. At gusto kong malaman niya na kahit anong gawin niyang panlalandi dito kay Jennie ay hindi rin siya mapapansin nito. Ang swerte naman niya kung hahayaan ko lang siya diba? Mas nagkaroon pa ako ng urge na mas maging showy pa kay Jennie. Pero hindi pa ako sigurado kung handa ba akong malaman niya ang mga nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay nag-iisip pa din ako kung aamin ba ako sa kaniya o hindi. Pero alam kong malalaman niya din 'to. Alam kong mapapansin niya rin ang mga ginagawa ko.

Anyway, nagsisimula na din pala na lumabas ang mga contestants ng Pageant. Bawat audience ay panay ang sigaw. Halos magkagulo na nga dahil sa suot nilang swimsuit. Dito mo talaga makikita kung sino ang mga adik sa babae e. Well, excetpt me???

"And our next contestant is Jisoo Kim." 

"GOOOOO JISOO-YA!!!!" sigaw ng katabi ko.
Natawa naman ako sa kanya kasi panay ang tili niya. Panigurado, sasakit din ang lalamunan nito at mawawalan siya ng boses. Natapos na din magpakilala si Jisoo at bumalik na siya sa backstage. Wala namang masama sa body niya. Sexy din naman siya, makinis ang balat at maputi. Kitang-kita talaga ang kaputian niya. Kaya di na rin nakakapagtaka na madami ang nagkakagusto sa kaibigan namin. Nang mawala na si Jisoo sa stage ay sunod naman na pinakilala ang susunod na contestant.

"Wow. This is the first time na makikita natin siyang sumali dito. So let's give her around of applause to Miss Jennie Kim!" natulala ako. Tama ba narinig ko?

Si Jennie? Sumali?

Pero bakit?

Lumabas siya mula sa backstage. Tahimik ang lahat ng nanonood ngayon. Katulad ko din sila na naghihintay kay Jennie. Nabigla ako nang makita ko siyang lumabas galing backstage. Kinusot ko ang aking mata para siguraduhin na siya nga ang nakikita ko. Wala siyang suot na salamin. As in wala. WALA. Nakacontact lense siya at panigurado din naman ako na may grado ito. Nakamake up at nakalugay ang buhok at inayusan pa ito. At.... At nakasuot din siya ng swimsuit?

SWIMSUIT?!! WHAT THE FUCK.

Like what the effin f---?!!!!

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now