UATW 45

680 22 9
                                    

Jennie's Point of View

"Here's your ice cream." masaya niyang tugon sakin nang makabili siya.

"Bakit bumili ka?" tanong ko.

"Sabi mo kanina gusto mo kumain ng ice cream diba? Ayan, binilhan na kita. Ayaw mo ba?" sagot niya.

"Syempre gusto ko." saka ko kinuha ang ice cream na hawak niya.

Nagdecide muna kaming tumambay sa food court ng mall para umupo. Habang ineenjoy ko ang pagkain ng ice cream ko, si Lisa naman binubuksan na ang binili niyang phone. Well, maganda naman yung pinili ko kaya sure naman akong magugustuhan niya yun diba? Nagkibit balikat lang ako at pinagmamasdan lang siya sa ginagawa niya. Ilang oras din siguro kaming ganun. Nagkukwento ako habang siya naman nangangalikot sa phone niya. Hindi naman ako magagalit kasi sinasagot naman niya ng maayos ang mga tinatanong ko sa kaniya.

Maya-maya pa'y tinignan niya ko ng may ngiti sa labi atsaka niya inabot ang phone sakin. Ako naman 'tong si tanga nagtataka kung bakit.

"Gamitin mo muna." sabi niya.

Umiling ako pero nag-insist siya kaya wala na rin akong nagawa. Inilapit niya ang upuan sa tabi ko at tinitignan ang ginagawa ko sa phone.

"Alam mo? Ang cute mo kapag nagseselos."

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala! Sinabi ko ang rason ko sa kaniya. Aasarin na naman niya ako. Hindi ako umimik at umaktong walang narinig.

"Ang cute mo din nung tinawag mo kong babe." she chuckled. Oh my gosh! Bakit naalala niya pa yun?


"Babe pala ha?" napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang mapang-asar niyang ngiti. Dagdag pa ang tingin niya na may ibig sabihin.

"Sira. Pakiramdam ko kasi gusto ka ng babae kanina kaya panay ang titig sayo."

"Sus Hahahaha! Edi pagsawaan nila akong titigan." nainis naman ako sa sagot niya sakin kaya  hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

Anong pagsawaang titigan? Ano yun? Pumapayag siya? Nakakainis 'to ah. Hindi niya ba alam na halos hilingin ko na sa langit na mabulag yung babae kanina? Hindi niya ba alam na halos gusto ko nang sundutin ang mata ng babae tapos ang isasagot niya sakin ayos lang na pagsawaan siyang titigan? Nakakainis siya.

"Hey, tumahimik ka kaagad." hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Look at me Nini." no!

"Ayoko nga. Diba okay lang sayo na titigan ka ng babae kanina? Edi dun kana. Hindi naman kita pinipilit e." sagot ko.

Narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya kaya naman napatingin ako sa kaniya. Natutuwa ba siya na naiinis ako? Pwes hindi yun nakakatuwa, itulak ko pa sa kaniya yung babaeng yun. Mag-enjoy silang dalawa. Tutal masaya naman siya dun at okay lang sa kaniya na titigan siya ng babaeng yun na may halong something.

"Ayan magkasalubong na naman yang kilay mo" pabiro niyang sabi sakin.

Inirapan ko lamang ito sa inis ko saka kumain ng ice cream. Yun lang? Tatawa lang siya? Tatawanan lang niya ako? Wala naman nakakatawa sa sinabi ko diba?

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon