UATW 46

527 24 3
                                    

Jennie's Point of View

"Good morning.. It's time to wake up." tama ba ang narinig ko? Boses ba ni Lisa yun? O nagkakamali lang ako. Ganito siguro ang epekto kapag bagong gising ka.

"Nini?" pangalawang beses na pagtawag na 'to sakin.

Imposible talagang si Lisa 'to. O baka guni-guni ko lang yung narinig ko? Imposible din si nanay ang papasok dito, di naman niya ako tinatawag na ganun? Hindi naman magagawa ni nanay na gayahin ang boses ni Lisa. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng higaan ko habang nakangiting pinagmamasdan ako.

"Good morning sleepy head. Mukhang masarap ang tulog mo ah?" natatawa pa nitong sinabi.

Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya ko. Naging conscious tuloy ako sa itsura ko ngayon. May muta pa ba ako sa mata? Mukha ba akong bagong gising? May natuyong laway ba sa pisngi ko? Yung buhok ko mukha bang sabog? Kamusta ang itsura ko? Pangit pa din ba?

Well kailan ba ko gumanda? Siguro kung nababasa ni Lisa ang nasa isip ko, sure akong sasabihin niya sakin na maganda naman talaga ako, masyado lang talaga akong harsh sa sarili ko.

"Lili?! Ano ginagawa mo dito?" nahihiya at gulat ko pa din tanong sa kaniya.

"Sinusundo ka. Obvious naman diba?" natatawa pa niyang sagot sakin.

"Pero.. Ang aga." saka ako nagtalukbong ng kumot

"It's 8:30 babe. Mag-aalas nuebe na nga e. Bumangon kana jan." naramdaman ko ang paghawak niya sa kumot at agad niya itong hinila.

Nang matanggal niya ang pagkakatalukbong ng kumot sa katawan ko ay nagulat siya sa nakita niya. Nakasuot kasi ako ng sando at maikling short. Maya-maya pa ay nag-iba ang expression ng mukha niya, bigla na lamang siyang ngumisi.

"You look so hot." nag-init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya, kaya agad ko naman siyang binato ng unan. Nasalo naman ni Lisa ang unan at ibinalik ito sa kama.

"Pervert." sabi ko.

"Nang-aakit ka ba?" natatawa pa niyang tanong saka umupo sa tabi ko.

"Asa! As if papayag ako na akitin kita noh." sabi ko sa kaniya. Nakikita kong tinitignan niya ko mula ulo hanggang paa at muli na naman niya ko titignan ng doretso sa mata. Ano ba naman ang iniisip nitong si Lisa.

"Bakit nakaganyan ka?" nakangisi pa ding tanong niya sakin saka niya ako binigyan ng nakakalokong tingin.

"Ganito ako kapag natutulog! Atsaka hindi ko naman alam na pupunta ka ng maaga dito." paliwanag ko.

"Parang ayaw mo naman ako na nandito e." saka ito sumimangot.

"Hindi naman sa ganun. Nahihiya lang ako." nakayukong sagot ko.

"Bakit ka naman nahihiya? Ang ganda ganda mo nga e. So where's my morning kiss?" saka siya ngumuso.

Natawa naman ako kasi para siyang bata na nanghihingi lang ng lollipop.

"Why are you laughing?" tanong niya.

"It's because you look like an idiot?" patanong kong sagot sa kaniya.

"So you think I'm an idiot huh?" tatayo na sana si Lisa pero hinawakan ko agad ang kamay niya.

"Bakit mo ako pinipigilan tumayo?" nagtatampo niyang sabi sakin.

"Baka umalis ka e." sagot ko.

"Akala ko ba mukha akong...."

"Hindi ah! Biro ko lang yun." muli kong nakita ang maganda niyang ngiti.

Us Against The World (JenLisa)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon