UATW 52

293 12 0
                                    

Jennie's Point of View

Halos ang tagal na rin namin nag-antay na mag-landing itong eroplano and after ng napakatagal na paghihintay, nakarating na rin kami. Sa Wakas! Halos hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang mag-announce yung pilot sa'min sa loob. Sinilip ko sa bintana yung mga kaganapan sa labas and nanibago ako sa mga nakikita ko.

"Let's go." dinig kong saad ni Lisa sa'kin. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatayo na, habang buhat ang isang bag.

Napangiti naman ako at tumango saka tumayo at kumapit sa kaliwang braso niya. Grabe yung kabog ng dibdib ko ngayon, ang bilis. Halos mapunit na rin ang labi ko sa kakangiti. No'ng makarating kami sa loob ng airport, inantay pa namin yung iba pa naming bagahe sa baggage carousel. Halos siksikan din kami dito habang nag-aantay.

Hindi ko naman magawang mag-libot sa lugar na 'to kasi hindi din ako familiar at baka mawala din bigla si Lisa. Baka nga kapag umalis ako, bigla siyang mawala dito at hanapin ako. After a few hours of waiting, finally!! We got our baggages and we went outside the airport. Namangha ako sa mga nakikita ko. May mga taxi na nakaparada sa gilid at nag-aantay sa mga magiging pasahero nila and ang ganda din ng view ng paligid. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakarating na ako dito.

Lord, kung panaginip lang 'to pakigising nga ako.

"Babe.." tawag ni Lisa sa'kin.

"Ha?" nakita ko naman siya na natawa ng bahagya.

"Lumilipad na naman ang isip mo." she chuckled.

"Sorry, I'm just happy sa mga nakikita ko ngayon. I just can't believe it." I said to her.

"Halata nga sa'yo e. But anyway, gusto mo na ba mag-pahinga or gusto mong kumain muna?" tanong niya sa'kin.

"Saan naman tayo mag-sstay?" tanong ko dito.

"Anywhere. Basta kasama kita." she said happily.

"Paano kung gusto ko pumunta ng bar?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Edi tara, wala namang problema sa'kin e. Gusto mo ngayon na e." saad niya habang panay taas at baba ng kilay niya habang nakangiti pa.

"Uy! Joke lang yun, tara na nga. Baka sa ibang bagay mo pa ako ayain e." sabi ko sa kaniya saka siya hinila. Narinig ko naman siyang tumawa.

Makalipas ang ilang minuto nakahanap na din kami ng masasakyan naming taxi. Hindi naman ganun kadaldal yung driver pero kinakausap niya kami and ang friendly niya sa'min. Tumigil kami sa tapat ng motel. Tinulungan kami ng driver na ibaba lahat ng baggages namin at nang masigurong wala nang naiwan pang mga gamit, binayaran na namin siya at nagpa-salamat. Hinila na ni Lisa ang dalawang maleta habang may nakasukbit pang bag sa likuran niya.

Hindi kaya siya nabibigatan? Kasi parang ang hirap kung mabigat na nga yung bag na dala niya tapos humihila pa siya ng dalawang mabigat na maleta. Siguro pwede ko naman siyang tulungan, kaso alam ko naman na di siya papayag.

Nakapasok na kami sa motel at nag-check in siya for about 3 weeks. Pagkatapos ibigay sa'min ang susi, agad na kaming dumiretso papunta sa room na naka-laan sa'min. Nang makarating kami sa tapat ng room, in-unlock niya ang pinto tsaka binuksan ito. Medyo madilim pa kaya naman kinapa pa ni Lisa ang switch ng ilaw banda sa pintuan at in-on ito. Medyo malaki na rin para sa'min, pero iisa lang ang kama. Nahiya naman ako na parang kinakabahan.

Hindi ko naman kailangan mag-alala since ang status na rin namin ay in a relationship. Pumasok na kami ng room at agad akong dumiretso sa kama at humiga. Ang lambot. Pakiramdam ko napagod ako samantalang ang ginawa ko lang naman ay umupo. Narinig ko naman na tumatawa si Lisa kaya napatingin naman ako sa kaniya.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now