UATW 34

1.7K 48 4
                                    

Jennie's Point of View

Naghahanda na ako para sa pag alis namin ni Lisa. Sobrang excited ako at makakasama ko siya ulit. Para sakin, I'm not confused of my feelings anymore. Wala nang what ifs at wala nang doubt.. Alam ko kung ano na ang nararamdaman ko para kay Lisa and hindi ko iyon ipagkakaila.

Maybe ngayon nagtataka na siya kung paano ko nalaman ang ibig sabihin ng sinabi niya sakin kanina. Sinubukan ko kasing isearch 'yon no'ng nagcomputer ako. Naalala ko kasi na nabanggit niya yun habang natutulog siya. Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin nang may tumawag sa cellphone ko. Dali dali kong kinuha iyon at agad na sinagot.

"Hello?" unang banggit ko.

["Hey, I'm on my way."] sabi niya sakin.

"Ingat ka, Lili."

["Ang sweet naman ng Nini ko. Kikiligin na ba ako?] sagot niya.

"Pwedeng oo, o baka pwede rin kahit wag na. Planado kasi kapag kinilig ka dahil kinukuha mo yung permission ko." sabi ko sa kaniya saka ako umupo sa single bed ko.

["Sus. Sige na, ibababa ko na. See ya later Nini."] alam kong kanina lang ay nagkita kami pero hindi talaga mawala ang excitement ko na makita siya ulit.

"Tama yan, wag mo ko kausapin habang nagdadrive ka." sabi ko

["Luh? Echos ka Nini. Bye na nga, nasstress ang bangs ko sayo tsk."]

"Kaya pala nalalagas yung buhok mo?" saka ako tumawa.

["What's funny Ms. Kim?"]

"Wala sabi ko ang ganda mo!"

["I know kaya nga may mga nagkakagusto sakin kahit babae."]

"Ang hangin! Grabe!!!"

["Totoo naman kasi sinasabi ko."] depensa niya

"Edi dun ka sa babae mo." sabi ko sa kaniya.

Natigilan naman ako at narealize ang mga sinabi ko sa kaniyaa.

["Nagseselos ka ba?"] tanong niya sakin.

"Noooo! Never!" pangdedepensa ko sa tanong niya.

["Sus. Wala naman akong ibang babae. Ikaw lang naman."]

"Nambobola na si lola!" biro ko sa kaniya. But deep inside, tumatalon na ang puso ko sa sobrang kilig at saya.

["Hindi kita binobola! I'm just telling the truth."]

"Telling the truth ka pang nalalaman jan? Ibaba mo na yung call. Much better kung sa daan ka nakafocus." sabi ko.

["Okay fine. Hintayin mo lang ako jan. Bye Nini!"]

"Bye!"

["I love you."] saka nag-end ang call.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang parehas namin gusto ang isa't isa. Tama ba ang term ko? Or should I say na mahal namin ang isa't isa. Akalain mo yun, we're bestfriends before pero ngayon, more than bestfriend na ang turingan namin. Totoo nga talaga ang sinasabi nila na hindi mo mapipigilan ang nararamdaman mo once na nagmahal ka na.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now