UATW 23

1.6K 52 0
                                    

Jennie's Point of View

Nakauwi na ako at nakaupo lang sa kama. Hindi ako sumabay kay Lisa sa pag-uwi at parang wala akong gana na makisabay sa kaniya ngayon. Naalala ko yung sagot sakin ni Lisa kanina. Nainlove na siya?  Kailan pa? Parang ang sakit naman marinig yun sa kaniya mismo. Gusto ko sana malaman kung sino yun kaso masyado na akong nanghihimasok sa personal life niya. Atsaka isang dahilan din kung bakit ayaw kong sumabay sa kaniya dahil ayoko siya nuna makausap o makita. Kanina pa kasi ako napapaisip kung totoo bang nahulog na talaga ako sa kaniya?
Hindi pa naman sigurado yun diba? Masyado na akong naguguluhan sa sarili ko.

Malalaman ko na inlove na ako kapag tumitibok ng mabilis ang puso ko dahil lang sa taong yun. Yun ang nararamdaman ko.... Kapag nakikita ko siya, kakaibang kilig yung nararandaman ko. Para bang ang saya-saya ko. Para bang kumpleto na ang araw ko kapag makita ko lang siya. Natutuwa ako kapag napapangiti ko siya o kaya'y nakikita ko siyang masaya. Yung ngiti niya lang ang mas lalo nagpapagaan sa pakiramdam ko.

So totoo nga? Yung mga sinabi ni Lisa, sobrang natamaan ako dun. Pero paano? Kailan pa? Bakit naman ganun?!

"Ang hirap naman nito!!!" nasabi ko na lamang sa sarili ko. Saka ko kinuha ang unan at tinakpan ang mukha ko saka humiga sa kama.

Ang tahimik, pakiramdam ko ay unti-unti akong inaantok. Nang biglang magpatugtog ng sobrang lakas ang kapitbahay namin. Ano ba naman yan? Sana naman hayaan akong makatulog man lang, pero natigilan ako sa'king narinig. Eksakto ang kantang 'yon sa nararanasan ko. Bakit parang pinapatamaan ako?

Paano nga ba napasukan ang gusot na ito
'Di naman akalaing magbabago ang pagtingin sa 'yo ohh wooh

Ganito pala ang feeling kapag pilit mong tinatago sa isang tao ang nararamdaman mo. Ang bigat sa pakiramdam, may part sa'kin na gusto ko nalang sabihin lahat. Para bang sasabog na ang puso ko kapag lagi ko nalang tinatago sa kaniya ang nararamdaman ko

Mula nang makilala ka, umikot ang mundo ko

Napangiti naman ako at napatingin sa bracelet na binigay sakin ni Lisa. Nakaramdam ako ng saya. Pakiramdam ko sobrang special ko para sa kaniya. Niregaluhan niya pa ako nito kahit ang mahal mahal. Atsaka nung mga panahon na pakiramdam ko ay walang naniniwala sa'kin at maging ang sarili ko ay kinukwestyon ko kung kaya ko pa ba, palagi siyang nanjan. Palagi niya sa'kin sinasabi na kakayanin ko. Siya lang nagpaparamdam sa'kin ng ganito. Siya yung taong paulit-ulit akong ineencourage. Siya yung taobg hindi nagsasawang suportahan ako sa mga bagay na gusto ko.

'Di na kayang ilihim at itago ang nararamdamang ito wooh.

Kaya ko pa naman diba? Hindi ko pwedeng sabihin 'to. Baka dumating na yung time na baka iwasan na niya ako. Hindi ko pa kaya i-take ang risk na meron sakin.... Na meron sa nararamdaman ko. Hindi ko pa kaya mawala yung taong yun.

Paano na kaya, 'di sinasadya
'Di kayang magtapat ang puso ko
Bakit sa dinami-rami ng kaibigan ko ikaw pa
Paano na kaya 'di sinasadya
Ba't nahihiya ang puso ko
Hirap nang umibig sa isang kaibigan
'Di masabi ang nararamdaman
Paano na kaya

"Bakit ba kasi nangyayari 'to? Gulong gulo na ako. Lord, baka naman. Kahit isang sign lang?" hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko.

Wala na akong maisip na ibang dapat gawin para lang maiwasan ko at mawala ang nararamdaman ko kay Lisa.

Kapag gusto kong lumayo sa kaniya, hindi ko magawa. Para bang gusto ko lagi na nasa tabi niya. Gusto ko lagi na ako ang rason niya kung bakit siya masaya.

Kung aamin ba ako sa kaniya iiwasan niya ba ako? Paano kung oo? Paano kung dumating sa punto na layuan na niya ako. Parang hindi ko yata kaya. Siya lang naman ang taong nanjan para sakin tapos iiwasan pa ako? Natatakot ako... Bakit kasi sa dinami-dami ng tao dito, ikaw pa ang napili kong mahalin? Kasalanan ko ba yun kasi hinayaan kong mahulog ang sarili ko sa kaniya? O sadyang napakamalisyosa ko lang kaya ganito ang nararamdaman ko?

I feel sorry for myself. Gusto kong magsorry kasi mas higit pa sa bestfriend na ang tingin ko sa kaniya. Sinubukan ko namang pigilan ang nararamdaman ko pero mali pala ang ideyang yun. The more na pinipigilan ko, mas lalo ako nahuhulog.

***

"JENNIE?!!!!!" Nagising ako sa pagtawag sakin ng kung sino man. Teka nakatulog pala ako? Hindi ko man lang namalayan. Atsaka bakit parang pamilyar ang boses? Sino yun? Si Lisa ba yun?

Imposible, bakit siya pupunta dito diba?

Nakapagtataka.

"Jennie Kim!!" kakaisip ko lang sayo kanina, tapos ngayon naririnig ko na ang boses mo. Nananaginip lang siguro ako. Napailing ako at ipinikit ang mata ko.

Hallucination.

"NINI!" bakit parang galing sa labas ng bahay namin yung boses?

"JENNIE!!!" napadilat ako at nawala ang antok ko dahil sa gulat. Totoo nga ang naririnig ko? Tinatawag ako ni Lisa! Napabalikwas ako sa hinihigaan ko ng wala sa oras.

"Lisa?!" nataranta ako at hindi ko malaman ang gagawin ko. Kakagising ko lang kasi.

Teka anong oras na ba?

Tinignan ko ang cellphone ko and it's 5:30 in the evening. Shit!!! Shit!!! Wala pa rin ba si nanay? Ano itsura ko ngayon? Di pa ako nakaayos.

"What should I do?! What should I do?! Ang haggard pa naman ng mukha ko." sakto naman na may tumawag sa phone ko.

Should I answer this call? Bahala na nga!

"H-hello?"

["Hey! I've been calling your name. I'm infront of your house."] Aaaaaaah! Shit!

"Ano... Kasi.. Ahm. Ganito kasi, wala ako sa bahay. Nasa mall ako." Sabi ko sa kaniya. Please maniwala ka. Hiyang hiya ako na makita mong bagong gising ang mukha ko.

["Really? Ano ginagawa mo jan? Puntahan na kita. Who's with you?"]

"Vernon.."

At pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay agad naputol ang linya. Maya-maya pa'y narinig ko ang pagtunog ng makina ng kotse. Napatingin ako sa bintana at nakita kong humarurot ang kotse paalis sa tapat ng bahay namin.. Napahawak ako sa sentido ng ulo ko. Shit!!! Ang tanga mo talaga Jennie. You're such an idiot! Sa dinami dami ba naman ng babanggitin mong pangalan si Vernon pa talaga?!

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now