UATW 2

1.5K 38 4
                                    

Lisa's Point of View

Makalipas ang ilang pang mga klase ay breaktime na, Umunat ako dahil ang tagal ko din na hindi nakatayo. New life, new school and new faces. Napabuntong hininga ako. Naisipan kong lumabas na rin para makabili ng makakain ko sa canteen.

Bakit nga ba ako pumayag na lumipat dito? Kaso ano magagawa ko? Aish! 4th Year High School is so sucks. Nang makalabas ako ay dumaan muna ako sa cr upang makapag-ayos ng sarili. Mula sa labas ay may narinig ako na nagsasalita. Idinikit ko ang tenga ko mula sa pinto upang mas marinig ko pa ang pinag-uusapan nila. Ayoko muna makialam, baka nagbebenta sila ng droga. Delikado na at baka masangkot ako. Bakit naman nila naisipan na magbenta ng drugs dito? Ano ba tong iniisip ko.

Teka, mukha ba akong chismosa dito?

"Ibigay mo na sa amin ang natitira mo pang pera." sabi ng babae sa kung sino man ang kausap niya. At sa sinabi niyang samin? Halatang may kasama siya, sino naman kaya ang inaaway nila? Hindi ko akalain na merong ganitong estudyante. Tsk, pagkakaalam ko kasi mayayaman ang mga nag-aaral dito, maliban nalang kay Jennie. Kasi siya lang naman ang kilala kong scholar.

"P-Pero. W-Wala na akong pera para sa isang linggo. Iyan lang ang makakaya kong maibigay sa inyo. Maawa kayo, nagtatrabaho ang nanay ko para sakin, hindi ko pwede ibigay ang pera na hinihingi niyo." parang pamilyar ang boses na 'yon. Base sa narinig ko, para siyang mangiyak-ngiyak. Ilang sandali pa ay narinig ko ang malakas na sampal mula dito at narinig kong nagtawanan ang mga kasama ng babae.

"Jennie.. Kung di mo kayang pumasok dito sa university na 'to, bakit nandito ka pa? Bakit nag-aaral ka pa rin dito? Hampaslupa! Dukha! Anak mahirap! Wala kang kwenta!! You're such a poor girl na hindi deserve na pumasok sa school na 'to." dun lang nag-init ang ulo ko.

Hindi dapat ako makikialam pero wala na ako nagawa. Tama nga ang hinala ko. Parang pamilyar pala sakin ang boses na iyon. Agad kong binuksan ang pinto at nakita kong nakaupo na sa sahig si Jennie at umiiyak. Napatingin sa akin ang tatlong babae pagbukas ko ng pinto.

"Who's this?" tanong ng isang babae sa kasama niya.

"Bagong mukha?"

"Siya ata ang transferee dito." Hindi ko pinansin ang pinag-uusapan nila. Sa halip ay tinanong ko na lamang sila.

"Anong ginagawa niyo sa kaniya?" seryoso kong tanong. Lumapit ang isa at ipinatong ang kamay niya sa balikat ko habang naririnig ko silang nagtatawanan..

"Kapag sinabi ba namin sayo, may magagawa ka?" tanong nito sa'kin. Tinignan ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko.

"Depende sa sitwasyon." sabi ko sa babae.

"Bakit? Natatakot kana ba?" napangisi ako sa sinabi niya, hinawakan ko ang kamay niya at buong lakas ko itong inalis at sinuntok siya sa sikmura. Napilipit sa sakit ang babae. Nagulat ang dalawang kasama ng babae sa ginawa ko. Muli akong ngumisi at nagsalita.

"Aware naman siguro kayo na masama ang mang-bully diba? Ang lalaki niyo na pero ang tatanga niyo?" saad ko.

"Ano bang pakialam mo?" tanong ng isa

"Wala, wala nga kong pake sa katangahan niyo e." halatang naiinis na sila. Natatawa ako sa mga itsura nila. Yung "Wanna-be-leader" nila? Ayun nakaluhod. Namimilipit pa din sa sakit dahil sa lakas ng suntok ko.

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now