UATW 22

1.9K 51 0
                                    

Lisa's Point of View

"Hindi yan! Ang tanga tanga mo talaga Lisa!" sigaw ni Rosé sakin habang sinasagot ko ang mga tanong niya.

Kasalukuyan kasi akong nagrereview para sa long test namin at puro identification lang ang mangyayari. Kung hindi ako magrereview, ano ilalagay ko dun? Kung gaano kaliit ang mga duwende? Ano height ni Peppa Pig? Ilan ang butas ni Spongebob? Bakit may tubig pa rin sa bikini bottom kung nasa dagat naman sila? Ilan ang mata ng pinya? Baka ibagsak pa ako ng teacher namin kapag ganun.

Atsaka alam mo ba kung ano ang nakakainis ngayon?  Panay sigaw sakin si Rosé dahil siya din ang tumutulong sakin na makapagreview.. Hindi ko alam kung namemersonal na ba 'to. Kung di lang mahaba pasensya ko baka nabatukan ko na 'to.

Naisipan muna namin na tumambay sa canteen dahil wala pa namang klase. 8 am pa kasi ang start ng class kaya habang maaga pa ay nagpapafetix fetix muna sila Rosé and Jisoo. Hindi ko nga akalain na mga morning person pala ang mga 'to

"Malay ko ba na mali ang sagot ko. Tinanga mo pa ako ah? Matalino ka ba?" sagot ko naman kay Rosé.

"Fyi. Top 1 ako nung grade 2." proud pa niyang sagot sakin. Natawa naman kami dahil sa sagot niya.

"Siraulo HAHAHAHAHA!"

"Tawa ka ng tawa jan. Gusto mo na ata magkaanak." sabi niya habang kumakain.

"Pinagsasabi mo? Baka ikaw ang gustong magkaanak." sagot ko naman.

"Weeehhh? Palibhasa kasi torpe." nanlaki na lamang ang mata ko sa sinabi ng kaibigan ko.

Nabigla ako at agad sinipa ang inuupuan niya. Loko 'to sarap takpan ang bibig nito kasi baka may masabi na naman 'to kay Jennie. Konti pa, baka mainis na ako. Kaso kaibigan ko 'to e. Sarap batukan nalang. Pwede ba?

"Anong torpe? Papa mo nga torpe."

"Mas torpe ka kesa sa papa ko noh! Papa ko nagkaasawa tapos ako ang bunga!" sagot niya sakin.

"Daddy ko din naman ah!" sagot ko sa kaniya.

"Ikaw ang sinasabihan kong torpe!"

"Anong ak----"

"Girls, stop!!!" pagpipigil ni Jennie samin. Nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Rosé sakin. Sigurado na ako, nang-aasar na talaga siya. Agad ko dinampot ang notebook sa mesa at hinagis sa kaniya.

"GIRLS? Daw?" sarcastic na sabi niya sakin nang makaiwas siya sa binato kong notebook sa kaniya.

"Girls naman tayo ah?" pagkaklaro ni Jennie kay Rosé.

Natawa naman si Rosé at Jisoo dahil hindi naman naintindihan ni Jennie ang sinabi niya. Nako Jennie, di lahat ng babae ay straight. Bakit pakiramdam ko alam na din ni Jisoo? Aish! Kwinento niya siguro 'to. Siraulo yun ah! Pinag-uusapan ako habang wala ako sa tabi nila?

"Instead of calling us Girls, pwede naman. Gays." suggestion niya dito. I just glared at her.

"Okay fine!" saka ulit siya tumawa.

"Stop it, you idiot!!!" nakakaasar naman, wala na ba siya ibang gagawin kundi asarin ako sa tuwing magkikita kami?

"HAHAHAHAHAHAHA! Pikon ka!" saad ni Rosé

Us Against The World (JenLisa)Where stories live. Discover now