UATW 48

1K 24 11
                                    

Lisa's Point of View

It's Friday already. Ang bilis ng araw noh? Parang no'ng nakaraan lang nakakasama ko pa yung mga kupal kong kaibigan, kasabay ko pa silang kumain tuwing recess and nakakadaldalan ko pa sila kapag may free time kami. Pero ngayon may kaniya-kaniya na kaming ginagalaan. Obviously sem-break na nga talaga. Mas maganda na to para makaiwas sa stress and para na rin makapag-bakasyon sa ibang lugar kahit sa maikling panahon lang.

Speaking of them, kamusta na kaya sila? Buti nga naaalala ko pa sila Rosé and Jisoo, ni hindi ko na nga alam kung nakaalis na yun for their vacation o magkasama ba silang umalis? Though, alam ko naman na magkaiba sila ng pupuntahan.

But...

Parang may something din kasi sa kanilang dalawa. O sadyang ako lang talaga ang nag-iisip ng ganun? Pero sa totoo lang, feeling ko talaga may something between them.

Kung totoo man ang nararamdaman ko, I'm happy for them. Pero kung hindi naman edi masaya pa rin ako para sa kanila. Kaibigan pa rin naman nila ako.

Anyway, nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Jennie. It's 4 in the morning nang makarating ako, ayoko kasing abutan ng traffic at magmadali for my flight. Kumatok na ako at maya-maya pa'y bumukas ang pinto at bumungad sa harap ko si Tita. Nagulat pa siya pero agad naman din ngumiti nang makita niya kung sino ang nasa labas ng bahay nila.

"Nanjan kana pala Lisa. Nako, nandun pa si Jennie sa kwarto niya nagbibihis pa. Pasok ka muna." pag-aaya ni tita sakin. Pumayag din naman ako at umupo agad sa sofa.

Habang nag-aantay sa kaniya, naisipan ko munang ilabas ang phone ko at itext si Jennie.



Lisa: Psst! Babe, nandito na ko sa baba niyo. Antagal mo ah. Nagmemake up ka pa ba? O naghahanap ng maayos na maisusuot? Hahahahah

Jennie: Sorry na, kakatapos ko lang kasi maligo and nagbibihis na 'ko.

Lisa: Gusto mo bang umakyat ako jan? Ako na magbihis sayo. Kung kailangan mo lang naman ng tulong.

Jennie: Ikaw ah! Ang Manyak Mo. Atsaka pababa na 'ko maya-maya. Wait lang..

Lisa: Just take your time babe. Hindi naman kita minamadali. Pero kung gusto mong tulungan kita, wag ka mahihiyang mag-text sakin.

Jennie: Heh! Bad ka.

Lisa: I love you.

Jennie: I love you too.

Lisa: Pero sure kana ba talagang ayaw mo?

Jennie: Isa! Yari ka sakin pagbaba ko.

Lisa: Anong klaseng yari ba yan babe?

Jennie: May iba pa bang ibig sabihin yang tanong mo?

Lisa: Wala naman, depende sayo kung meron, babe.

Jennie: Gusto mo bang hindi na kita samahan sa airport?



Natawa naman ako sa nireply niya sakin, nagbabanta pa. Pero nang marealize ko na kasama ko pala si tita ay agad naman nawala ang ngiti ko. Nakakahiya kapag nakita ka sa ganung sitwasyon, tumatawa habang nakatingin sa phone. Baka isipin ni tita nababaliw na ko. Pero alam ko naman na hindi ganun mag-isip si tita kaso gusto ko lang talaga masigurado Hahahaha.



Lisa: I'm just kidding Hahahaha. Sige na mag-ayos kana para makakain kana rin dito and makaalis na tayo.



Us Against The World (JenLisa)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt