CHAPTER 4:

980 31 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 4:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

HANAMICHI SAKURAGI'S POV

*** Gymnasium ***

"at Ang Henyo sa Basketball... Hanamichi Sakuragi!" Pagpapakilala ko.

Nagsitinginan silang lahat sakin...

Grabe! Iba talaga pag may pangalan! Hinahangaan talaga ng nakararami! Sige lang, kahit hindi niyo sabihin alam kong pinupuri niyo ako sa mga isipan niyo.

"Ayy oo nga pala! Naalala kita!" Lumapit sakin si Mari.
"Nakita ko ang mga laban ng Shohoku laban sa ibang kuponan, nung gumraduate si Akagi, si Miyagi ang sumunod na Captain, pagkatapos yung Super Rookie niyo na si Rukawa tama ba?"

"Pano mo nalaman?" Tanong ko

"Mahilig kase ako manood ng mga men's basketball matches, para alam mo na... Magagamit ko rin ang mga skills nila pag maglalaro ako ng basketball." Nakangiting sagot niya sakin.

"Tama! Sinabi din sakin ng boypren ni Fujima na basketball at volleyball player ka rin. Mukha kang matangkad... Ilan ba ang height mo?" Tanong ko

"Ang totoo... Half-Japanese at Half-Filipina ako, kaya medyo nabiyayaan ako ng tangkad. Huling sukat ko nasa 182cm ako." Sagot niya.

"Hala, ang tangkad mo namang babae. Baka naman lalake kang talaga na nag binabae lang?---"

*PAKKK!*

"Arayyyy..." Napahawak ako sa ulo ko dahil pinalo niya ng nakatuping papel.

"Kawalang gana kang kausap, sige balik tayo sa laro." Suplada niyang sabi at bumalik siya sa tabi ni Fujima.

"Nyahahaha anong napala mo, Unggoy? Nakatikim ka rin." Walangya tinawanan pa ako ni Matsing.

"Heh! Makakatikim ka rin sakin pag di ka tumigil." Naiinis kong sabi.

Asungot yung mukha niya pwehh!

"Maraming salamat sa pagpapakilala mga first year, hayaan mong magpakilala rin kaming mga Sempai sa inyo." Napaayos ako ng tayo dahil sa sinabi ni Lolo.

Ang totoo hindi na sila kailangang magpakilala pa, kilala ko na silang lahat eh at hindi lang basta kilala... Lahat sila nailampaso ko na NYAHAHAHA!

"Magpapakilala ulit ako, ako si Shinichi Maki, 3rd year at Captain ng Team. 20 yrs old at 192cm. Dati rin akong Captain nung nasa Kainan High School pa ako at kasama ko sa position ko ang pagiging Point Guard at Ace Player ng Team namin magpaka hanggang ngayon." Pagpapakilala samin ni Lolo.

Grabe talaga tong si Lolo, kaya nga IDOL ko'to eh!

"Ako naman si Souichiro Jin, 2nd year at Vice Captain ng Team. 19 yrs old at 196cm. Graduated din ako sa Kainan High School tulad ni Maki. Dati rin akong Kanagawa Scoring Champion at Ace Player magpaka hanggang ngayon." Pakilala rin ni Jin.

Edi wow! Kayo nang may award! Kayo na ang Ace!

Kung sa bagay bat naman ako maiinis? Kainan yan eh, hindi na nakakagulat kung marami ang magagaling.

"Ako naman si Kicchio Fukuda, 2nd year at ako ang Power Forward ng Team. 19 na ako at 193 ang height ko. Graduated ako mula sa Ryonan at nahirang ako bilang Offensive Treat ng Kanagawa." Pakilalala ni Fukulot.

"At Ako  naman  Akira Sendoh, 2nd year at katulad ni Fukuda mula rin ako sa Ryonan, dati rin akong Captain. 19 na ako at 204cm. Ang postion ko sa Team ay Point Forward..." Sendoh

"Anong point forward?" Tanong ko.

"Katangian ng Point Forward ang pagiging  Point Guard at Small Forward. Tulad nina Maki at Jin... Ace player din ako ng Ryonan at nahirang ako dati bilang Ace Player ng Kanagawa." Dagdag pa niya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon