CHAPTER 109/1: Tokyo Vs. Akita

572 37 12
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 109/1: Tokyo Vs. Akita

(PS: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa 18 minutes na natitirang oras sa second half ay nakapuntos na ang Tokyo Team ng 56 points. Samantala sa Akita Team naman ay 48 points parin.

Ang bola ay hawak ngayon ng Akita Team. Pinatalbog yun ni Matsumoto saka tiningnan si Fukatsu.

"Nakita niyo na siguro ang daloy? Oras na para bumawi." Sabi ni Matsumoto sa kanila.

"OO!!" sagot nila.

Nagcheer din ang tagasuporta nila.

"HABOL TAYO AKITA TEAM!

KAYA NIYO YAAAAAN!

GALINGAN NIYOOOOO!"

Ang Tokyo Team naman ay depensiba ulit.

"DEFENSE!

DEFENSE!

DEFENSE!" sigaw ng Tokyo Cheering Squad.

"Maghanda kayo, Team. Aatake sila." Sabi ni Maki sa kanila.

"Kaming bahala, Lolo!" Buhay na sagot ni Hanamichi.

Sinimulan na ng Akita Team ang opensa.

Dinribol ni Matsumoto ang bola palabas ng half court Tokyo Team. Nagdribol siya patungo sa shooting guard area kung saan libre ang lugar at malayo pa sa gawi niya si Nishizaki. Pagkarating niya doon ay walang pasabi na pinasa ang bola kay Kishimoto dahil nakababag na si Watanabe sa gawing iyon tila nakaabang na sa paglapit niya.

Pagkatanggap ni Kishimoto sa bola ay saktong nasa 3 point line siya sa kanang bahagi. Nagpose siya at nagjumpshot.

Napahangad ang lahat na nakatingin sa bola.

"Tamang porma..." Maki

"3 points?" Sendoh

"HINDI!"

Biglang sumulpot si Hanamichi mula sa likuran ni Kishimoto na ikinagulat ng nakararami.

"WALA YAN!" sigaw pa nito.

"Bwisit!" Nainis si Kishimoto dahil sa ginawa ni Hanamichi ay naiba ang porma ng bola.

Pero...

*PAKK!*

*DUNKKKKKKKKK!*

Natigilan ang lahat ng players ng Tokyo Team dahil malakidlat na pangyayari.

Ang bilis ng dunk na yun.

Sino kaya ang may gawa nun?

Natameme ang lahat nang makita nila ang nakalambiting si Masashi Kawata.

Ang ginawa niyang monster dunk ay parang mawawasak ang rim sa lakas ng kanyang pwersa. Ang ginawang lightning dunk niya ay nagtagumpay samantala si Mikio Kawata ay nasa kanyang harapan para bumack-up kung sakaling susulong si Hanamichi sa gawi nila at siya ang pipigil.

"Ang bilis..." Tanging sabi ni Coach Zakusa.

Bumaba si Masashi mula sa pagkakapit sa ring. Tiningnan niya si Hanamichi.

"Kami ang mananalo sa laban na ito... Sakuragi." Tanging kataga nito saka tumalikod.

Yumukom ng kamao si Hanamichi. "Tumaba ka pa sanang bakulaw ka."

Samantala ang mga Company Coach ay dagdag linya na naman para sa pangalan ni Masashi. Pareho silang napatingin sa pangalan nito at kay Mikio.

"Aba, talagang magaling ang performance ng magkapatid na Centro. Hindi malayo ang intensity nila at sa physiques. Kaya lang talagang nangingibabaw sa kanila si Sakuragi pagdating sa rebound." Sabi ng Toyota Coach.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now