CHAPTER 18:

624 20 3
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 18:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** GYMNASIUM ***

Linggo ang araw ngayon, pagkatapos nilang umuwi kahapon galing Kanagawa ay sinabi ni Maki sa kanila na mag training sila pagkabukas dahil magsisimula na sa makalawa ang Prefectural Elimination Matches. Aba silang lahat ngayon sa pagtatraining...

Maliban kay Hanamichi Sakuragi.

Nakaupo lang siya at pinapanood ang ibang kasamahan niya na tinitraining ng mga dating ka Team nila.

Si Ikegami ay tinutulungan ni Fukuda at Sendoh sa opensa at lalong pahigpitan ang depensa. Sina Daisho, Watanabe at Nishizaki naman ay magkasama ring nagtatraining sa ilalim ng ring. Si Kiyota naman kasama si Maki at Jin, nagtatraining sila para mas lalo lang ma-enhance ang playing skills ni Kiyota, sa depensa at opensa mula kay Maki, kay Jin naman ay sa 3-point shot.

Napabusangot na lang si Hanamichi dahil naalala niya na siya lang ang player na mula sa Shohoku ang nasa Team nila.

"Pambihira, kawawa naman ako. Wala pala akong kakampi dito, ako lang pala ang mula sa Shohoku and nandito..." sabi ni Hanamichi sa sarili niya at tumayo.

Kumuha siya ng isang bola at pumunta sa kabilang field.

Sa gymnasium nina Hanamichi ay may dalawang basketball field, apat na ring ang lahat na nandun at tatlo sa mga iyon ay ginamit nina Sendoh, Daisho at Kiyota kay may natitirang isang ring para kay Hanamichi.

Pagkarating ni Hanamichi pumwesto siya sa foul line at pinatalbog ang bola.

Napaisip ulit si Hanamichi.

"Pambihira! Ano naman ang gagawin ko dito? Wala akong kasama..." inis niyang wika. "Lay-up Shot na naman ang gagawin ko paulit-ulit na lang, jump shot sa ilalim ng ring at long jump shot... Sos! Alam ko na yun eh!" mas lalo niyang binilisan ang pagtalbog ng bola sa inis.

Nakadagdag rin sa inis niya dahil hindi sumama sa kaniya ang apat na ungas pati na sina Haruko at mga kaibigan nito, sinabi nila kay Hanamichi na magiging abala sila pero hindi nila sinabi kung ano yun.

"Kaasar!" sigaw niya at nagdribol papalapit sa ring.

Pagkalapit niya, itinaas niya ang dalawang kamay niya para gumawa ng slam dunk. Tumalon siya ng mataas sa harap ng ring at...

"SLAM---"

"Wala yan..."

Nabigla si Hanamichi ng may pumalpal sa bola mula sa likuran niya.

Tumilapon ang bola sa ibaba. Pagkababa niya sa sahig ay napatingin siya sa kung sino ang may gawa nun.

"High blood ka ata ngayon?" Tanong ni Hanagata.

"I-ikaw ang pumalpal?" gulat na tanong ni Hanamichi.

Tumango si Hanagata sa tanong niya... "May mali sa porma mo nung sinubukan mo mag dunk... May bumabagabag ba sayo?" tanong ulit ni Hanagata sa kanya.

"Ano bang pake mo?... Pero ang galing nang pagpalpal mo sa bola ah..." napacross-arm na lang si Hanamichi. "Naiinggit lang ako kase may kasamahan kayo na kasali dito, hindi katulad ko nag-iisa lang mula sa Shohoku."

Tumaas ang isang kilay ni Hanagata.

"Hindi ka nag-iisa, magka Team tayo dito." Hanagata

"Alam ko! Pero hindi yun ang ibig kong sabihin!" Inis na wika ni Hanamichi.

"Naiintindihan kita, Sakuragi..." napalingon si Hanamichi sa nagsabi nun.

"Sinabi sakin ni Mitsui ang dahilan kung bakit dito ka niya pinaaral at pinasali sa Team namin." Dagdag pa ni Fujima.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon