CHAPTER 73: Tokyo Vs. Toyotsu

920 32 10
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 73: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil senyas ni Fujima sa dalawa ay sinabihan nila yung tatlong kasamahan nila sa court.

Nagsang-ayon naman silang lahat sa sinabi ni Maki at Sendoh. Ngayon ay ang kuponan ulit ng Tokyo ang opensiba.

Ang determinasyon ng Tokyo Team ay kapareha sa determinasyong nararamdaman ng Toyotsu Team. Parehong hindi magpapadaig subalit isang kuponan lang dapat ang maitanghal na panalo.

"Team, maging alerto sa bawat kilos. Kahit anong mangyari ay huwag silang papupuntosin." sabi ni Tsuchiya sa kanila na tumatayong Captain at Point Guard ng kuponan nila.

Samantala sa pangkat nina Hanamichi ay may huling dinagdag si Maki sa usapan.

"Option natin yung pinlano ni Fujima. Target parin natin ang lamangan at talunin ang Toyotsu na nakabase sa magiging galaw natin sa court."

Pagkatapos sabihin ni Maki yun ay naghanda na sila para gawin ulit ang opensa.

Sumigaw ulit si Coach Terushima mula sa coaching box.

"Higpitan niyo ang depensa! Dalawang puntos lang yang lamang niyo, pero wag niyo sila hayaang makahabol!" sigaw niya.

Napatingin naman ng masama si Hanamichi kay Coach Terushima.

"Ehem... Hanamichi, behave." sabi ni Sendoh saka sinundot ito.

"Pwehh, sa katunayan madaling habulin yang 2 points." sabi ni Hanamichi at napaayos ng jersey short.

Sandaling huminga ng malalim si Kiyota habang pinapatalbog ang bola. Tiningnan nya ang buong paligid sa court. Iniisip niya ngayon kung papaano niya simulan ang opensa at kung kanino o sino ang una nyang papasahan.

Nagtinginan ng mata sa mata ang mga player ng Toyotsu upang babagan agad ang player papasahan ni Kiyota.

Parang sumasang-ayon ang ihip ng hangin sa pinaplano ng Tokyo Team. Inilayo nila ang sarili sa kani-kanilang kasamahan upang mas magiging mabilis ang galaw nila sa court kung sakaling aatake na sila.

Ang Toyotsu Team ay nakapukos sa mga player ng Tokyo na magaling sa opensa tulad nina Sendoh, Maki, Kiyota at Hanagata. Si Morishige ay inihanda ang sarili na nakatayo sa center area ng rebounding zone para abangan ang apat na yun.

Kumilos na si Kiyota.

"Salubungin niyo!" sigaw ni Tsuchiya.

Agad namang bumabag si Rango, tiningnan ni Kiyota si Maki.

"Ipapasa niya kay Maki..." sabi ni Tsuchiya sa isipan at lumapit siya ng unti kay Maki.

Pero...

*Pass*

Pinasa nya ang bola kay Sendoh na nasa Small-forward area.

Agad namang humarang si Mikoshiba.

Si Hanagata at Kiyota naman ay pinasok ang defense zone ng Toyotsu at kinuha ang atensyon ni Morishige.

"Hindi ka makakalusot." sabi ni Mikoshiba sa kanya.

Pero tumayo lang ng maayos si Sendoh at inismiran siya. At saka inihagis nito ang bola ng napakataas papunta sa mga kasamahan nito.

Napahangad silang lahat. Nakatingin rin si Kiyota at Hanagata sa bola at alam nila pareho na hindi nila maaabot yun sa sobrang taas.

"Masyadong mataas Sendoh!" sabi ni Kiyota habang sinusundan ang gawi ng bola.

Napatingin din sj Morishige dun at umatras ng konti saka tumalon para abutin ang bola.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now