CHAPTER 40: Tokyo Vs. Shizuoka

655 23 6
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 40: TOKYO vs. SHIZUOKA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

(KINABUKASAN...)

*** GYMNASIUM ***

"CHANCE BALL!..."

*Pak!*

"Spiker!..."

*PAK!*

"NICE KILL!"

"SERVE ACE!" sigaw ng mga Boys Volleyball na nag-eensayo ngayon sa loob ng gymnasium.

Tumayo yung lalake na isang Pitch-server sa outside line ng court, hinagis nito ang molten ball at gumawa ito ng malakas na impact na Jump Serve.

*PAK!*

Dahil sa lakas ng impact nito ay hindi kinayang pigilan ng Libero ng kabilang Team kaya yung molten ball tumilapon papunta sa...

Mahimbing natutulog na mukha ng Henyong si Hanamichi.

*BLAG!*

Dahil sa lakas ng tama nahulog siya sa bench na tinutulugan nito.

*BLAAAGGG!*

"ARAAAY!..." Napabalikwas siya ng bangon saka tiningnan ng masama ang mga volleyball players. "SINO MAY GAWA NUN?!!" Galit nyang sigaw dito.

Naalipungatan din yung ibang kasamahan ni Hanamichi, napakusot ng mga mata si Kiyota dahil sa ingay.

"Hoy Unggoy ka... Umagang-umaga ang engay mooooohh~..." napahikab pa siya.

Napabangon din yung Tatlong-others at parehong nakahawak sa mga ulo nila.

"Arrrghhh... Ang sakit ng ulo ko..." wika ni Daisho.

"Sakin rin..." Nishizaki

"Pareho tayo... Sa susunod di nako iinom ng mara---SANDALI LANG?!" napatigil si Watanabe.

Namilog ang mga mata ni Hanamichi nang marealize niya kung anong araw ngayon...

"Hoy mga Parekoy! Anong oras na?!" pasigaw na tanong ni Hanamichi sa volleyball players.

"A-ahh alas dyes na... Malapit nang mag-alas onse ng umaga..." sagot nung isa.

Nanlaki ang mga mata nila.

"WHAAAAAAAHHH PATAY TAYO NETO!!" tarantang wika nila.

Mabilis na dinampot nina Hanamichi ang mga gamit nila at di na nag-abalang suotin pa ang mga sapatos.

"Sa Basketball Club ba kayo?"

"Oo!..." Kiyota

"Huh? Kung ganun mga kasamahan niyo yung umalis mga kaninang alas syete?"

Mas lalo silang nataranta.

"LAGOT TAYO NETOOOOO!" Daisho

"SIGURADONG MAGAGALIT SI MAKI!" Watanabe

"PATAY TAYONG LAHAT KAY FUJIMA!!!!" Nishizaki

"PREEEEEEEHHHHH!!..."

agad silang nagsitakbuhan palabas ng gymnasuim kahit nakapaa lang.

*** SHIZUOKA CITY CENTRAL GYMNASIUM ***

*Shoot!*

"AYOS! PUNTOS NA NAMAN ANG TOKYO!"

"KYAAAAAAAAAHHH SENDOH!

GO, GO SENDOH! SENDOH AMPOGI MO!

GO, GO SENDOH! SENDOH AMPOGI MO!" Cheer ng mga jologs ni Sendoh.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now