CHAPTER 62: Tokyo vs. Kanagawa

651 18 3
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 62: Tokyo Vs. Kanagawa

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Habang paikli nang paikli ang oras ay mas lalong nagiging tensyonado ang mga manlalaro ng bawat kuponan. Sa mata ng manonood ay alam na nila kung anong kuponan ang mananalo at maglalaro sa Round 2 Semi-Final Elimination College Matches.

Samantala sa panig ng Kanagawa, si Coach Mifune ay napaekis ng kamay habang nakatingin sa court.

'Labing-isang puntos ang lamang nila samin sa natitirang dalawang minuto. Kung makakapagshot kami ng tatlong 3-points na sunod-sunod at isang inner range jumpshot magiging patas ang laban.' sabi ni Coach Mifune sa isip niya saka tiningnan si Hanamichi na ngayon ay kasalukuyang binabantayan ni Nagano.

'Kahit si Nagano ay hindi makakapagpuntos ng maayos dahil binabantayan niya si Sakuragi, kung babaguhin ko ang estratehiya at magpokus na lang na hindi makalapit si Sakuragi sa ilalim ng ring...' dagdag pang sabi ni Coach Mifune saka nag-isip.

'Kayang bantayan ng mga player ko ang ibang players ni Coach Fujima, kung tutuusin ay dapat si Sakuragi na lang ang pupuntiryahin namin... tama!' Nang maisip yun ni Coach Mifune ay tumayo sya at sumenyas sa Referee na nasa panig nila.

(Pumito...)

"SUBSTITUTION! KANAGAWA ALPHAS!"

Nagsitinginan ang mga tao sa bench team ng Kanagawa.

"Substitution?"

"Dalawang minuto na lang ah..."

"Baka may maibubuga pa yang Kanagawa, malay natin..."

"Kakuta!" tawag ni Coach Mifune.

Tumayo naman si Kakuta sa pagkakaupo. "Coach!"

"Palitan mo si Nagano, bantayan mo si Sakuragi." sabi niya dito.

"Opo, Coach!" sagot ni Kakuta saka hinubas ang XXL Basketball T-shirt niya.

At tumambad sa harapan nila ang mala-Akagi na katawan ni Kakuta.

Sa nakalipas na dalawang taon ay malaki ang ipinagbago ni Saturo Kakuta dahil sa palaging pag-eensayo sa basketball. Hindi lang ang height niya ang nagbago, pati rin ang pangangatawan nito at galing sa pagiging Senteo na maihahalintulad na sa dating pinakamalakas Center ng Kanagawa na si Takenori Akagi.

"Sandali lang Coach! Ipapasok niyo agad si Kakuta kahit hindi pa nagwawarm-up?" tanong ni Shozaki.

Sumagot si Kakuta sa tanong niya. "Kung si Sakuragi ang babantayan ko ay hindi na kailangan. Atsaka alam ko na ang gagawin ko."

Pagkasabi nun ni Kakuta ay naglakad na siya papasok ng court at nilapitan si Nagano.

"Nice Game, Nagano!" sabi ni Kakuta saka tinapik ang balikat nito.

"Salamat, ikaw na ang bahala sa kanya Kakuta. Total matagal mo na siyang kilala." sabi ni Nagano sa kanya.

"Oo, ako nang bahala kay Sakuragi." Kukuta

Tumango si Nagano sa kanya saka naglakad palabas ng Court. Pagkalapit niya sa team's bench ay sinalubong siya ng puro ng mga kasamahan niya.

"Nice game Nagano!" Shozaki

"ang galing ng laro mo Nagano!" Uekusa

"Salamat."  sagot ni Nagano saka umupo.

Kaya sa natitirang huling minuto ang mga manlalaro na nasa loob ng court sa panig ng Tokyo ay sina Hanagata, Sendoh, Watanabe, Kiyota at Sakuragi, sa Kanagawa naman ay sina Takasago, Kakuta, Muto, Koshino at Yasuda.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now