CHAPTER 101: Tokyo Vs. Akita

773 44 16
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 101: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ang bolang hawak ni Jin mula sa pasa ni Kiyota ay dinribol niya patungo sa free throw area kung saan ito'y libre mula sa depensiba.

9 minutes at 10 seconds na lang pero nasa line of 2 pa rin ang parehong score ng kuponan. Dikit at parehong hindi magpatinag.

Pagkarating ni Jin sa free throw area ay sinalubong siya ni Itakura. Agad lumayo si Jin sa kanya dahil baka mamisikal na naman at sa ikatlong pagkakataon na banggain niya si Jin ay baka magkabad reaction na ang katawan.

Nagpose si Jin para pumuntos ng tres.

"SA LIKOD MO JIN!" sigaw ni Sendoh na ikinalingon niya.

Nakita niya si Kishimoto na patakbong lumapit sa kanya.

"FIRE DA HOLEEEEEEEE!" Mala tarzan na sigaw ni Kiyota at pasalubong niyang binabagan si Kishimoto dahilan para magsalpukan ang dalawa.

Tikbalang laban sa Taong-gubat.

Akmang tatamaan ni Itakura ang pulsuhan ni Jin para mabitawan ang bola nang biglang nagswitch si Hanamichi sa lugar ni Jin.

"SWITCH YUN AHH!"

"ANG BILIS!"

Agad nakalayo si Jin sa lugar niya sa free throw lane nang mabilis nakipagpalit si Hanamichi sa kanya.

Nagpose ulit si Jin at wala ng paligoy-ligoy na shinoot ang bola.

*Shoot!*

Unang pumasok ang bola bago pa man ang...

"KILLER EYE!"

*BLAAG!*

Napapito ang Referee sa nangyari.

"CHARGING FOUL! BLACK NO. 11!" sabi ng Referee sabay turo kay Kiyota.

Tinaas ni Kiyota ang kamay niya at napangisi dahil nasalpok niya si Kishimoto kaya napaub-ob ito sa sahig.

Klaro ang nangyari unang pumasok ang tira ni Jin bago tuluyang nasalpok ni Kiyota si Kishimoto.

"KIYOTA NICE KILLLLLL!" Proud na sigaw ni Muto.

"TULUYAN MO NA YAN MATSING!" pangkukunsinti pa ni Koshino.

"Grrrrr... Mga bwisit! Bwisit ka Matsing ng Kainan! Mandaraya ka!" lintya ni Kishimoto sa nakangising mukha ni Kiyota.

Sumipol na lang si Kiyota. "Lamaw ka, pinaparinggan mo lang yung sarili mo."

Nilapitan ni Hanamichi si Kiyota at nag-apiran ang dalawa.

"Nice Tres, Jin!" puri ni Sendoh.

"Salamat sa dalawang yun." tinuro ni Jin si Hanamichi at Kiyota.

"Dalawa na ang foul ni Kiyota." sabi ni Maki.

"Walang problema, wag lang si Sakuragi. Kundi tapos ang pagiging Aspirant MVP niya." katwirang sagot ni Sendoh.

Ang 26 score ng Tokyo Team ay naging 29 dahil sa tres ni Jin.

Tumayo si Kishimoto sa pagkaub-ob at paika-ikang naglakad. Nanakit ang kaliwang binti niya dahil na rin sa pag-apak ni Kiyota sa kaniya.

Nabubwisit siya kay Kiyota ng sobra.

"Kung nandito ka lang sana Minami, kanina pa sana namatay yung Matsing at ang Unggoy na yun." dismayang sabi niya.

Ang bola ay binigay sa kuponan ng Akita.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora