CHAPTER 113: Tokyo Vs. Akita

685 48 26
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 113: Tokyo Vs. Akita

(PS: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

9 minutes and 30 seconds na lang ang natitirang oras sa laban. At sa kasalukuyang sitwasyon ay lamang ulit ng 1 point ang Tokyo Team.

Nagkipag-apiran naman ang mga kasamahan kay Hanamichi.

"Magaling bata." Puri ni Maki.

"Hindi na kase ako natutuwa sa kanila, Lolo!" Sagot ni Hanamichi.

"Pero palagi mo paring tandaan na nasa laro lang tayo, walang personalan Sakuragi." Paalala ni Sendoh sa kanya saka hinampas nag likod nito.

*Pakk!*

"Hindi naman ako namemersonal ah!" Maktol niya.

Samantala ang ibang manonood ay pumalakpak sa ginawa ni Hanamichi. Namangha sila sa katapangan ng opensa nito at sa ginawang fake kay Mikio.

Samantala sa Toyotsu bench area naman ay ngiting pumalakpak si Muzaka sa ginawa ng aprentis niya.

"Yahooooooo sige Sakuragi! Ang galing ng ginawa mo! Ipagpatuloy mo yan!" Proud niyang cheer.

Inirapan naman siya ni Sakurayashiki. "Sos... eh isang beses lang naman yun eh at hindi na mauulit pa." Sabi nito.

Tiningnan siya ng masama ni Muzaka. "Ang sabihin mo naiinggit ka dahil mas magaling yung aprentis ko kaysa sayo." Pambabara nito.

Pareho sumalubong ang kilay ni Sakurayashiki. "Tumigil ka dyan Boy Utang..."

Pagkatapos ng bangayan nila ni Muzaka ay binalik niya ang kanyang tingin sa court at tiningnan ang gawi ni Hanamichi.

"Naisahan niya si Mikio. Hindi ko nabasa sa kanyang anyo na mahusay pala ang Sakuragi'ng yan sa pamemeke. Mahusay siya hindi lang sa mabilis gumalaw o sa rebound. Nakakamangha ang kanyang reflexes." Sabi nito habang pinagmamasdan ang postura ni Hanamichi.

Tumango naman si Muzaka bilang pag sang-ayon.

"Tama ka. Nung unang beses ko siyang nakalaban nung nag match ang Tokyo at Toyotsu. Napakalakas ng pwersa niya, nasa 205 centimeters lang ang height niya pero pagdating sa palakasan ay kayang-kaya nang patumbahin si Hiroshi." Wika ni Muzaka at tiningnan si Morishige na nakatingin na pala sa gawi nila nang marinig nitong sinambit ang kanyang pangalan.

"Pero syempre... May proposal akong hinanda kina Yuki at Zakusa. Tungkol ito sa panibagong special training na sinagawa namin noon kay Sakuragi."

"Special Training?" Sabay na tanong ni Morishige at Sakurayashiki.

"Oo. Special Training ulit para kay Sakuragi at sayo... Hiroshi. Hindi pwedeng si Sakuragi lang ang babahagian ng nalalaman namin sa basketball. Balak ni Yuki at Zakusa na irekomenda si Sakuragi, Maki at Sendoh sa Head Coach ng National Federation para makapasok sa national team. Kaya ang sa akin naman ay si Hiroshi, irerekomenda ko rin siya." Ngumiti si Muzaka sa sinagot niya.

Binalingan na lang ulit ni Morishige ang court. Napaisip siya. Balak ng kanyang Muzaka-senpai na ipagsabay sila ni Sakuragi sa isang special training.

"Kailan naman kaya yan kung sakaling tanggapin nila?" Tanong ni Sakurayashiki.

"Kung sila ang Tokyo Team ang mananlo sa final match na ito... Igaganap ko yun bago sila bumyahe paalis ng bansa para sa Intercollegiate Matches." Sagot ni Muzaka.

Sa court, ang bola ay tumalbog sa sahig at kinuha yun ni Ichinokura. Pinatalbog niya yun. Pumalakpak naman si Fukatsu at nagbigay ng anunsyo sa kasamahan.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now