CHAPTER 13:

590 18 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 13:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Kaasar! Meron pa lang ganung violation? Bakit ba sa tuwing nagpapasikat ako, pumapalag sakin ang Violation o di kaya Foul?... Bwesit!" Naiinis na sabi ni Hanamichi habang padabog na nakapwesto para sa gagawing depensa.

Lumapit si Watanabe sa kanya at tinap ang balikat niya... " Ayos lang yan, Hanamichi... Atleast naipasok mo ang bola, tignan mo oh..." Tinuro ni Watanabe ang Scoring Board ng Team nila.

Nawala ang inis ni Hanamichi nang makita nyang may 2 points na sila.

Napangiti siya sa isip niya at sabing..." Ayos! Ang kauna-unahang puntos sa Team natin ay nagmula sakin... Nyehehehe ang galing ko talaga! NYAHAHAHAHAHA!" Humalakhak ng malakas si Hanamichi.

"Psssh ang yabang! Porket two points lang..."

Napatingin ng masama si Hanamichi kay Kiyota dahil sa binubulong nito.

"Ansabe mo Matsing?!" Hanamichi

"Oh baket? Totoo naman ah! Ang yabang mo Unggoy ka!" Kiyota

"Ang sabihin mo naiinggit ka lang!"

"Bakit naman ako maiingit sa Unggoy na katulad mo?!"

"Dahil ako ang unang nakapuntos sa Team natin."

"Pwehh para yun lang? Hintayin mo pag ako nakapagshoot, kalahati ng score natin ay magmumula sakin!" Mayabang na sumbat ni Kiyota.

"Utot mo Matsing! Ee yung jumpshot mo nga kanina napalpal ng tropa mong si Takasago tapos may gana ka pang magyabang sakin? Are you joking to me? Bwhahaha!!!" Tumawa ng malakas si Hanamichi.

Nanginginig sa inis si Kiyota dahil sa pang-aasar ni Hanamichi sa kanya.

"Grrrrrrgghh IKAW ANG MAYABANG! Patutunayan ko sayo na hindi lang ako hanggang salita lang!" Sigaw ni Kiyota.

"Patunayan mo lelang mo..." Hanamichi

"Ikawwww grrrghhhh..." Akmang lalapitan ni Kiyota si Hanamichi ng may bumato sa kanila ng sapatos sa ulo.

*Pok!*

*Pok!*

Malutong na napamura si Hanamichi at Kiyota dahil dun. Napatingin sila kung sino ang bumato nun at nakita nila si Mari na nag-aapoy ang mga mata sa inis.

"TIGILAN NIYO YAN MGA GUNGGONG! GUSTO NIYO BANG IBANGKO KO KAYO? HAH?!!" Galit na sigaw ni Mari sa kanila habang pinalo-palo pa ang papel sa ulo ni Sendoh.

"Whaaaaaahh Mari tama na!" Pakalma ni Sendoh sa kanya habang pinipigilan ang mga palo ni Mari sa kanya.

"Hala kayo, ginalit nyo." Pananakot ni Nishizaki

"Kayo kasing mga gunggong ang may kasalanan, ayun tuloy si Sendoh ang naging kawawa." Daisho

"Isantabi nyo muna yang bangayan niyo, sa ngayon... Kailangan nating magconcentrate sa laro. Alalahanin niyo na ipinagkatiwala ni Captain ang larong ito sa atin hanggang sa katapusan, kaya umayos kayo." Sermon ni Watanabe sa kanila.

Natahimik yung dalawa at parehong nag-iwasan ng tingin.

(Pumito...)

"TAYO NA TEAM! WAG SILANG PALULUSUTIN!" Sigaw ni Watanabe.

"OO!!!!" Sagot ng apat ang hinanda ang depensa nila.

Hawak ni Uekusa ang bola at sinimulan ang mabilis na depensa...

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now