CHAPTER 104: Tokyo Vs. Akita

771 38 19
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 104: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

4 minutes at 20 seconds na lang sa first-half. Kailangan pang habulin ng Tokyo Team ang 3 points para maging pantay ulit ang score nila sa Akita Team. Pagkatapos nun ay lalamangan nila ulit at sisiguraduhin na sila ang maging lamang kapag matapos ang first-half.

Hawak ni Masahiro ang bola. Pinatalbog niya at isa-isang tiningnan ang mga kasamahan na sina Fukatsu, Masashi, Iwata at Itakura.

Panibagong taktika na naman ang kailangan nilang planuhin. Napatingin si Masahiro kay Fukatsu na pasimpleng sumesenyas. Tumango si Fukatsu nang maintindihan niya iyon.

Maikling oras na lang ang natitira sa first-half at layunin nilang tapusin na ito na may mas mataas na puntos kaysa sa Tokyo Team.

Medyo nagulat ang Tokyo team nang mabilis na nagsigalawan ang Akita Team sa loob.

"A-ang bilis..." tanging sabi ni Kiyota.

"Bilis! Depensa!" sigaw ni Maki.

Umalerto naman ang iba.

Ang bolang hawak ni Masahiro ay pinasa kay Itakura.

Pagkatanggap nito ay agad itong nagtungo sa shooting-guard area. Mabilis ang pagdidribol ni Itakura kaya nauna siya kay Kiyota sa pwestong iyon. Pagkarating niya ay nagpose agad ito para mag tres.

Ngunit biglang dumating sa harapan niya si Kiyota at sinubukan nitong pigilan ang kanyang tira. Parehong nakataas ang kamay na paniguradong hindi makalusot ang bola.

Kaya agad iniwas ni Itakura ang bola paibaba dahil alam niyang may chansa si Kiyota na makuha yun.

Pinasa niya ang bola mula sa kanyang likuran at saktong nakuha yun ni Fukatsu.

Pagkatanggap nito ay agad itong lumipat patungo sa Point-guard area para makaiwas sa nakasunod nitong si Maki.

Pagkarating niya sa Point-guard area ay kasabay niya lang si Maki. Naiinis na may halong manghang nararamdaman si Fukatsu. Naiinis na siya kay Maki dahil para itong magnet, hindi mabuwag-buwag sa kanya at palaging nasa harapan kahit saang anggulo pa siya ng court; Namamangha din siya dahil sa husay nito sa depensa, ang klase ng depensa niya ay napakatibay na halos hindi niya magawang lusutan.

Natural dahil parehong Top 1 at Star Player ng kanya-kanyang distrito.

"Hindi ka makakalusot." sabi ni Maki sa kanya.

"Alam ko." sagot ni Fukatsu.

Namangha ang lahat nang pinerform niya ang ball handling para sa ankle breaker. Nakasunod lang si Maki sa kanya.

"Lol, wala yan. Si Maki pa." nakaismid na sabi ni Coach Zakusa.

Nang magawa yun ni Fukatsu ay pinasa niya ang bola.

*Pass*

Lihim na natuwa si Fukatsu dahil lulusot ang kanyang pasa.

Samantala si Maki...

*Pak!*

"WOAAAAAAAH!"

Natamaan ni Maki ang bola gamit ang kaliwang kamay.

"NATAMAAN NIYA!"

"ANG GALING!"

Natamaan ni Maki ang bola ngunit agad yung nakuha ni Masahiro.

"Ang bibilis talaga nila." may namumuo nang inis sa loob ni Maki.

Nadakma ni Masahiro ang bolang tinamaan ni Maki, samantala si Hanamichi.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon