CHAPTER 31: Tokyo Vs. Osaka

520 19 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

(Ps: Typo Errors Ahead!)

CHAPTER 31: TOKYO VS. OSAKA

THIRD PERSON'S POV

"Ambobo niya... BILIS yung sagot eh at hindi lakas..." gusto nang umiyak ni Sendoh dahil sa kabobohan ni Hanamichi.

"Malala na'to ... Nakatatlong foul na siya." Wika ni Maki habang hinihilot ang kanyang sentido.

"Hay nako..." tanging sambit ni Fujima.

SA COURT... Napahawak si Gyoku sa tagiliran niya dahil sa kunting sakit at dahan-dahang bumangon. Tiningnan niya si Hanamichi na nakangisi.

"Huyy... Bata paano ba yan nakatatlong foul ka na? Magiging maayos parin ba kaya ang laro mo?" nakangising tanong ni Gyoku sa kanya.

Naningkit yung mga mata ni Hanamichi sa tono ng salita niya.

"Baket? Ano ba sa akala mo? Mapapraning mo ako?"

"Dapat lang kase dalawang foul na lang at mapafoul-out ka na."

"Tch!... Bakit parang ang saya mo ata na mafoul-out ako?"

"Dahil... Wala nang gunggong dito sa court."

Napatawa si Kiyota na nasa likuran ni Hanamichi.

"BWAHAHAHA!..." Kiyota

Agad naman siyangTiningnan ng masama.

"Tumigil ka dyan, Matsing ka! Mas Gunggong ka pa sakin kung tutuusin!" bulyaw ni Hanamichi. "Hoy Bigotilyo! Mas gunggong pa itong nasa likuran ko at taong gubat pa---"

"Hoy sumusobra ka nang, Unggoy ka! Away niyong dalawa dinadamay mo'ko!" Kiyota

"Kasalanan mo kasi tumawa ka!"

"Tumawa lang ako anong masama dun?!"

"Masama! Dahil ambaho ng bibig mo!"

"Yawa---"

"Buang!"

Agad rumesbak sina Watanabe para awatin ang dalawa.

"Tumigil na kayo..." awat ni Watanabe kay Hanamichi.

"Nag-aaway na naman kayo..." Hinawakan ni Daisho ang magkabilang braso ni Kiyota at hinila ito papalayo.

"UNGGOY!"

"MATSING!"

"UNGGOY!"

"MATSING!"

"UNGGOY!"

"( -_-*)..." Gyoku

(Pumito!...)

"Osaka, sainyo ang bola!" Referee

Tumango si Kentaru sa Referee at tinanggap ang bola. Nagsibalikan sa mga posisyon ang mga player para Ipagpatuloy ang laro. Si Gyoku parin ang nakabantay kay Hanamichi.

"Makatingin ka dyan? Krass mo'ko noh?" Hanamichi

Mahinang napatawa si Gyoku.

"3 fouls 2 remain, pag naging apat na ang foul mo temporary kang Tatanggalin ng Coach niyo at papalitan ka."

"And so? Dapat nga pinapanatili mo'ko dito sa court at huwag mahayaang palitan ng ibang nakabangkong player namin."

Tumaas ang isang kilay ni Gyoku sa kataga niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Luminga-linga muna si Hanamichi at sinenyasan niya si Gyoku na lumapit ng unti sa kanya. Nagtataka namang inilapit ni Gyoku ang ulo niya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now