CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita

751 44 32
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 98: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa mistulang bowling na nangyari ay lamig na tiningnan ni Jin si Hanamichi.

"J-Jin?" pansin ni Hanamichi.

"Papatayin kita." sagot ni Jin.

Nangiwi si Hanamichi. "Ba't parang naninisi ka? Kasalanan ng Kishimoto'ng tikbalang na yun ang nangyari."

"Tama nang bangayan. Balik sa opensa!" sabi ni Maki sa kanila.

Si Hanamichi ang huling humawak sa bola, pero si Kishimoto ng Akita Team ay napatawan ng foul kaya mananatili sa Tokyo Team ang bola.

Binigay ng Referee ang bola kay Sendoh.

Tinanggap yun ni Sendoh saka pinatalbog sa tinatayuan niya.

(Bouncing...)

Pumwesto naman sa kanya-kanyang area sina Hanamichi, Maki at Jin. Si Fukuda ay nakatayo malapit kay Sendoh.

Ang Akita Team naman ay gumawa din ng defense formation nila. Lamang ulit ang kuponan ng Tokyo ng 2 points at yun na naman ang hahabulin nila.

Samantala si Coach Kawarama na nasa Coaching Box ay pinaglaruan ang kanyang hawak na Marking pen habang nakatuon ang kanyang tinging sa kanyang mga manlalaro.

"Ano bang inisip ng mga batang ito? Wala ba sila sa mga sarili nila ngayon?"

"Kawawa naman si Kuya Masashi kanina. Nadaganan siya ng apat na basketball player." nag-aalalang sabi ni Mikio.

Inismiran lang siya ni Coach Kawarama.

"Malakas si Masashi, nagkataon lang talaga na parang naging bowling ball 'tong si Hanamichi Sakuragi kaya natumba lahat pati kuya mo."

Ang lahat ng manonood ay nakatuon ulit sa court. 13 minutes at 27 seconds na lang ang natirira sa firsf-half at ang score parin ng bawat team ay 15 points sa Akita Team at 17 points sa Tokyo Team. Walang bola ang naishot aa mga nagdaang segundo dahil sa ginawa ni Kishimoto. Pagkakataon sana ng Tokyo Team na makapuntos ulit kaya lang pinairal ni Kishimoto ang kanyang dahas.

Parehong galawan na maitutulad sa unang kuponan na nakalaban at tinalo ng Tokyo Team. Ang Osaka Evessa.

Itinaas ni Sendoh ang kanyang hintuturo na ikinagulat ng iba.

"Nagtaas siya ng hintuturo?"

"Point guard na siya?"

"Akala ko ba yung Maki no. 4 ang Point-guard?"

Samantala si Coach Taoka ay napaismid at enikis ang parehong kamay habang ang tingin nito ay nakatuon kay Sendoh. Siguradong magbabago na ang estilo ni Sendoh sa laro ngayon'g Point-guard na siya.

*Pass!*

"Pinasa niya kay Fukuda!"

Mabilis na dinribol ni Fukuda ang bola papuntang left area ng 3-point line. Si Maki ay nasa shooting-guard area, si Sendoh ay nakatayo sa Point-guard area at si Jin naman ay nasa right area ng 3-point line.

Tanging si Hanamichi Sakuragi lang ang nasa inner court.

"Mahusay na set! 4-1 set offense laban sa 2-3 defense ng Akita!" manghang sabi ni Coach Taoka.

"Gayong nasa labas lahat ang mga shooter ng Tokyo Team na sina Sendoh, Fukuda, Maki at Jin. At naiwan sa loob ang steel center tulad ni Sakuragi ay masasabi kong... Perpekto ang set nila." sabi rin ni Coach Takato.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon