CHAPTER 107: Tokyo Vs. Akita

688 48 24
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 107: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Dahil sa ginawa ng line-up ng mga first years. Si Fukatsu ay nagsimula nang mabanas sa kanila. Hindi na siya natutuwa sa limang 'to. Dahil sa tatlong player na rumesbak ay lumamang ang team nila ng 4 points.

Paikli ng paikli na lang ang oras.

Pinatalbog ni Fukatsu ang bola. Kailangan na naman ng panibagong taktika. Matatapos pa lang ang first half at hindi niya na matandaan kung ilang taktika na ang pinlano nila.

"AKITA TEAM OFFENSE!

OFFENSE!

OFFENSE!

OFFENSE!" sigaw bg kanilang panig.

Ganun din ang Tokyo Team.

"DEFENSE!

DEFENSE!

DEFENSE!"

"Huwag silang hayaan na makahabol!" Sigaw ni Mari.

"Kaya niyo yan Tokyo Team!" Cheer din ni Haruko.

Samantala sa isip ni Fukatsu.

Makakahabol kami.

"Tapusin na natin ang first half!" Sigaw niya sa mga kasamahan.

"Tayo na!" Sigaw rin ni Masashi at nagsikilos na sila.

Mabilis na dinribol ni Fukatsu ang bola. At nang makarating siya sa division line ay pinasa niya ang bola kay Masahiro. Pagkasalo nito ay agad naman dumating si Kiyota para depensahan sila. Pero nag over head pass agad si Masahiro kay Mikio bago pa man mahawakan ni Kiyota ang bola.

*Pass!*

"Si Mikio..." Naalarma si Hanamichi.

Tumakbo siya sa gawi ni Mikio na kasalukuyang nagdidribol sa bola.

Pagkalapit ni Hanamichi sa kanya ay inabot niya ang bola para palpalin ito. Pero pinatalbog ni Mikio ang bola sa kanyang likuran papunta sa kaliwang kamay kaya nabigo si Hanamichi sa pag palpal.

Natigilan ang lahat nang makita nila si Mikio na nag shooting pose ng tres.

"Ano? Magtitres ang halimaw na bakulaw na yan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rango. "Pareho kayo ,tol!" Dagdag pa niya saka tiningnan si Morishige.

Shinoot ni Mikio ang bola.

*Pak!*

Nagulantang silang lahat nang natamaan yun ni Hanamichi.

Speechless sila sa bilis ng galaw ni Hanamichi. Mula sa bigong palpal ay nagawa niya paring tamaan ang bola.

"ANG BILIS NIYA!"

Ang bolang tinira ni Mikio ay nasa ere at palapit na sa ring.

Nakita ni Daisho ang ginawa ni Hanamichi sa bola kaya nagmadali siyang tumungo roon para kunin ang rebound.

Paglapit ng bola sa ring ay tumama ito sa gilid.

Pagkalapit ni Daisho sa ilalim ng ring ay tatalon na sana siya nang magulantang ito dahil sa biglaang sulpot ni Masashi sa kanyang likuran at walang anumang dinakdak ng malakas ang bola na tila gustong wasakin ang rim.

*DUNKKKKKKKK!*

Naghiyawan ng malakas ang panig ng Akita Team.

"YAHOOOOOO PUNTOS!

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon