CHAPTER 80: Tokyo Vs. Toyotsu

511 27 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 80: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Labin-tatlong minuto na lang ang natitira sa 2nd half. At ang kasalukuyang puntos ng bawat kuponan ay 51 sa Toyotsu at 55 naman sa Tokyo.

Dahil sa 4 points na lamang, ay pinasok ulit ni Coach Terushima si Morishige sa loob ng court.

Sa pagkakataong ito, ang hula ng mga manonood ay papanig na sa kuponan ng Toyotsu ang laro dahil nagkasama na ang Big 5 players ng Toyotsu.

Samantala sa Coaching Box naman ay nakaekis ang kamay ni Coach Terushima habang nakatingin sa gawi ni Morishige. Nagsalita ito sa kanyang isipan.

"Sauluhin no yung sinabi ko sayo Morishige. Malakas at matibay ka, ikaw ang numero unong centro dito sa distrito ng Aichi. Kinatatakutan ka din ng iba pang Centro. Kaya huwag mong hayaan na gawin yan ulit sayo ng pulang-buhok na yun." 

(Pumito...)

"Toyotsu! Sa inyo ang bola!" sigaw ng Referee at binigay sa kanila ang bola.

Tinanggap naman yun ni Morishige.

Habang hawak niya ang bola ay tiningnan niya si Hanamichi saka nagsalita.

"Hindi ka na makakaulit... Sakuragi." mahinahong sabi nito.

Si Hanamichi naman ay napangisi.

"Alam ko ang style mo na yan. Yang nangyari sayo ay nangyari na rin sakin. May mamumuong lakas sa loob mo at determinasyon para talunin ako..." panimula ni Hanamichi sa kanya.

Tahimik parin nakatingin si Morishige sa kanya.

"Pero... Sorry ka. Tatalunin pa rin kita. Tandaan mo yan. Kami ang mananalo!" dagdag pa ni Hanamichi sa mga kataga niya.

Naghiyawan naman ang mga tao sa loob ng gymnasium.

"BOOM BOOM! GANYAN NGA HANAMICHI!" sigaw ni Takamiya saka pinaghahampas ang dalawang boteng-plastik.

"AYAN NA! AYAN NA!" Sigaw rin ni Mito.

"Pustahan tayo kung sino ulit sa kanila ang magkakainjury?" ngising tanong ni Ohkusu sa kanya saka nilabas ang listahan.

"Si Hanamichi na yan." pusta ni Noma.

"Hindi yan." singit ni Koshino sa usapan nila.
"Nagawa dati ni Sakuragi na patumbahin ang higanteng player ng Osaka na si Gyoku at nagawa nya rin kay Morishige ngayon. Sigurado mauulit pa yun." dagdag pa nito.

Sa court, ay sinimulang patalbugin ni Morishige ang bola sa kanyang kinatatayuan. Bago siya gumawa ng hakbang ay tingnan nya ang buong paligid.

Ang Tokyo Team naman ay nag zone defense, isang depensa na walang makakapasok sa loob at kayang pigilan ang panglabas na tira.

"Ngayong kasama na natin ulit si Morishige dito sa loob. Kaya nating buwagin yan." sabi ni Tsuchiya sa kanila.

"Ganitong line-up ang gusto nilang makalaban. Kung ganun ay pagbibigyan natin sila." sabi rin ni Muzaka sa kanila.

"Tayo na!" sigaw ni Tsuchiya saka tumakbo papuntang half-court nila.

Agad pinasa ni Morishige ang bola kay Muzaka.

Mabilis namang nagdribol si Muzaka papasok sa kanilang half-court. Parehong pumunta sa magkabilang bahagi ng half-court sina Mikoshiba at Tsuchiya para abangan ang pasa ni Muzaka. Samantala sina Rango at Morishige naman ay tumungo sa rebounding area.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now