CHAPTER 17:

603 20 4
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 17:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nagulat sina Hanamichi ng makilala nila kung sino ang bagong coach ng Shohoku.

"Ikaw, kulotskie?..." Gulat na tanong ni Hanamichi.

"Gulat na gulat lang?" napaismid si Miyagi.

"Wow, Miyagi! Ikaw na pala ang bagong coach! Masaya ako para sayo." tuwang sabi ni Haruko.

"ahehehe salamat!" napakamot si Miyagi dahil sa ilang.

"bakit ikaw na? Nasaan ba si Tatang?" tanong parin ni Hanamichi na tila bang hindi niya tanggap ang nangyare.

"maupo muna tayo bago ko sasagutin yan, Hanamichi." sagot ni Miyagi at pumasok sa loob ng gymnasium.

***

Magkatabing nakaupo sa gilid sina Hanamichi at Miyagi pati na rin yung iba. Ang mga new players ng Shohoku nakatayo malapit sa kanila.

"Nasaan na pala si Tatang? Hindi ko aakalain na aalis na siya sa pagiging Coach ng Shohoku." Hanamichi

"Kahit ako rin Hanamichi ay nagulat nang winika sakin ni Coach Anzai na aalis na siya sa pagiging Coach." Miyagi

"Ano daw ang dahilan niya?" Yasuda

Napatingin si Miyagi sa kanya...

"Alam niyo... Matanda na si Coach Anzai at may sakit pa siya. Naging malungkot si Coach Anzai nung gumraduate na kayo ni Rukaa, Hanamichi. Dahil dun lumala ang sakit niya at naadmit ulit siya sa ospital." mahabang sagot ni Miyagi.

"Si tatang talaga..." mahinang wika ni Hanamichi

"Tinawagan ako ng asawa ni Coach Anzai dahil gusto daw nitong makipag-usap sakin..." Kwento ni Miyagi.

(FLASH BACK...)

*** Ospital ***

"Magandang araw po, Coach Anzai... Pinapunta niyo po kami dito?" magalang na tanong ni Miyagi sa nakahigang si Coach Anzai.

"oo nga po, Coach Anzai... May sasabihin po ba kayo samin?" nag-aalalang tanong ni Mitsui.

"kinakabahan ako, Coach Anzai. Sana hindi masamang balita ang sasabihin niyo." kinakabahang tanong ni Akagi.

Mahinang napatawa si Coach Anzai... "Bueno... Hindi na ako magpapaligoy sa sasabihin ko..."

Magkatabing nakatingin sina Miyagi, Mitsui at Akagi.

"Aalis na ako sa Shohoku." direktang sabi ni Coach Anzai na ikinagulat ng tatlo.

"p-po?" Miyagi

"P-pero..." Mitsui

"B-bakit po, Coach Anzai? Hindi ko maintindihan..." naguguluhang tanong ni Akagi.

Lumapit ang asawa ni Coach Anzai sa kanila... "Mga Hijo... Mahina na ang pangangatawan ng Coach niyo at madali na siyang mapagod, kinakailangan na niyang magpahinga para sa kalusugan niya."

Malungkot na tumingin si Mitsui sa kaniya... "Pero po... Mrs. Anzai, kailangan ba talaga niyang umalis sa pagiging Coach ng Shohoku?"

"pasensya na Hijo, pero kailangan..." Mrs. Anzai

"Paano na ang Team? Ano na ang mangyayari sa mga bagong henerasyong manlalaro ng Shohoku?" Akagi

"Yan ang pag-uusapan natin ngayon..." Coach Anzai
"Kailangan ko ng papalit sa kin sa pagiging Coach."

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon