CHAPTER 20:

693 21 3
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 20:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

*** GYMNASIUM ***

8:09pm nang matapos nilang pag-usapan ang tungkol sa training ni Sakuragi ay nagsimula na sila at inunahan ito si Maki.

Dinribol ni Hanamichi ang bola para sa opensa pero si Maki ang dumedepensa sa kanya.

"Makinig sa, Sakuragi... Kailangan malakas ang pwersa sa nakalibre mong kamay at mga paa para mapaatras mo ang dumedepensa sayo..." paliwanag ni Maki kay Hanamichi.

"Alam ko na yun, Lolo... Sinabi na sakin ni Gori yan..." sagot ni Hanamichi.

"At isa pa... Idikit mo ng mabuti sa kamay mo ang bola para hindi maagaw sayo lalo na't ipapasa mo na ito..." Maki

"Alam ko!..." Hanamichi

Mabilis inagaw ni Maki ang bola sa kamay ni Hanamichi...

"Whaaah!" nagulat si Hanamichi

"Akala ko ba alam mo?" Maki

"Alam ko naman talaga eh... "

"Pwede ba, Sakuragi... Dapat matuto kang makinig kung gusto mo maging pinakamagaling na manlalaro..."

"Whaaaahh wag mo akong sermonan Lolo! Hindi ako si Kiyota!"

"Pareho lang kayo..."

"Kaasar!" sigaw ni Hanamichi

"Halika, tuturuan kita kung paano dumepensa..." Binitawan ni Maki ang bola. "Kinakailangan mong bukahin ng malaki ang sakop ng mga braso at kamay mo para macorner mo ang kalaban na may hawak ng bola, tulad nito..."

Pinakita ni Maki kay Hanamichi ang ginagawa niyang depensa.

Ginaya yun ni Hanamichi...

"Marami kang dapat malaman na techniques sa pagdedepensa para hindi makashoot or makapasa ang kalaban." Maki

"Oo, naiintindihan ko..." Hanamichi

Marami pang tinuro si Maki kay Hanamichi at iba pang mga techniques nito.

Mga Defense techniques na ang tanging mga Taga-Kainan High lang ang gumagawa, pero ipinapasa na ni Maki ang kalaaman niya ngayon kay Hanamichi.

Mabilis naman natutunan ni Hanamichi yun sa maikling oras.

2 hours and 30 minutes nang matapos si Maki at Hanamichi sa ensayo. Bago umupo si Maki may sinabi muna siya kay Hanamichi.

"Tinuro ko na ang lahat sayo, Sakuragi. Ensayuhin mo na lang ng paulit-ulit para mabihasa ka..." wika ni Maki.

"Tama si Maki, Hanamichi... Kapag na master mo yung mga tinuro ni Maki sayo, baka malampasan mo pa si Ikegami sa pagiging defensive specialist." singit ni Sendoh.

Napatikom si Hanamichi at tumango... "Oo, gagawin ko yan, Sendoh! Pagbubutihin ko!"

"okay... So dahil tapos na si Maki sayo, ako na ang susunod..." Nilagay ni Sendoh ang tasa niya na may tinimplang kape. Napatingin siya sa malaking wall clock sa gymnasium... " 10:30pm na pala... Simulan na natin, Hanamichi!"

Tumango si Hanamichi. Lumapit si Sendoh sa kanya habang nagdidribol.

"hindi ako Offensive Trait tulad ni Fukuda, pero masasabi kong marami kang matutunan sakin sa pag-oopensa." nakangising sabi ni Sendoh.

Napairap si Hanamichi.

"Grabe ka sakin... Akala mo naman wala akong alam sa opensa!"

"Meron naman, pero kuntiiiiiiiii nga lang..."

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now