CHAPTER 79: Tokyo Vs. Toyotsu

531 31 10
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 79: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Labin-limang minuto at siyam na segundo na lang ang natitira sa 2nd-half at nakalamang ulit ng isang punto ang Toyotsu Team dahil sa tatlong sunod-sunod na puntos ni Muzaka.

Samantala si Hanamichi ay nanghihinayang parin sa sarili dahil nadali lang siya ng isang National Player na si Muzaka at hindi parin maalis sa kanyang isipan ang mga sinabi ni Rango sa kanya.

"Kung hindi mo siya kayang talunin, wala kang karapatan na maging MVP!"

Yumukom ang kamao niya nang hindi namamalayan.

Nagsalita siya.

"Kung yan ang paraan para magkaroon ako ng potensyal na maging MVP. Bakit hindi..."

Tiningnan niya naman ang gawi ni Muzaka na nakangiting nakipag-apiran sa mga kasamahan nito.

"Kabilang ka pala sa Japan National Team. Kung ganun ay isa kang 'National Player' katulad ni Tatang."

Gumuhit sa isipan niya ang mukha ni Coach Anzai.

"Tatalunin ka ng Henyong ito... Tandaan mo yan Muzaka!"

At sa pagkakataong ito ay dalawang kamao na nya ang nakayukom.

"SAKURAGI!"

Agad napalingon si Hanamichi sa Coaching Box ng kanilang Team dahil sa sigaw na yun.

At doon ay nakita nya si Haruko na nakatayo na medyo naghahabol ng hininga.

"Ayos lang yan, Sakuragi! Galingan mo parin at wag kang magpapatalo!" suportadong sigaw ni Haruko sa kanya.

Tila ang hinayang na nararamdaman ni Hanamichi ay nawala dahil sa suporta ni Haruko.

Ngumiti si Hanamichi sa kanya at tinuon ang kanyang nakayukom na kamao kay Haruko na tila sinasabi nito na: Hindi siya magpapatalo.

"Sanaol."

Nabigla si Sakuragi dahil sa biglaang sulpot ni Sendoh sa kanyang likuran.

"Pambihira ka naman Sendoh! Muntik na kitang masuntok!" bulyaw ni Hanamichi sa kanya habang nakahawak sa dibdib dahil sa kaba.

"Sori naman, may sasabihin lang ako sayo." sabi ni Sendoh sa kanya.

Sumeryoso naman ang mukha ni Hanamichi. "Ano yun?"

Inakbayan naman siya ni Sendoh saka sumagot.

"Makinig ka, napalya yung plano natin kanina dahil kay Muzaka. Napansin kong ikaw ang pinupuntirya niya. Kaya sa pagkakataong ito, gagawa ako ng paraan para ako ang magbantay sa kanya."

Tiningnan naman siya ni Hanamichi.

"Gagawin mo yun?"

"Oo."

"Alam mo namang National Player yun diba?" tanong ulit ni Hanamichi.

"Oo, kaya nga ilalayo kita sa kanya para kahit papaano umiba ang takbo ng laro ng kalaban. Pareho kaming Super Ace Player at Point-forward, kaya mapipigilan ko siya."

Tumango naman si Hanamichi sa sinabi niya.

"Sige, Sendoh. Balak ko sanang talunin ang mayabang na yon. Pero para makapuntos ang Team, gagawin ko." sang-ayong sagot ni Hanamichi saka nag-apiran ang dalawa.

Napatingin naman sina Maki, Hanagata at Kiyota sa kanilang dalawa.

"Ang dalawang yun... Kung ganun, magpapalit sila." sabi ni Maki at pinatalbog ang bola sa kinatatayuan niya.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now