CHAPTER 82: Tokyo Vs. Toyotsu

537 27 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 82: Tokyo Vs. Toyotsu

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Ngiting napakamot sa pisngi si Haruko habang nakatingin kay Hanamichi.

Sobrang inis ni Hanamichi dahil nalabas siya sa court. Ang tatlong-langgam na kumagat at nagsanhi ng pamumula sa kanyang tagiliran ay pinagbuntungan niya ng sama ng loob.

Tinisod-tisod at inapak-apakan nya ang mga ito.

"Bwisit kayo! Napagkamalan akong may injury dahil sa inyo mga lintik na langgam!" lintya ni Hanamichi.

Pilit siyang pinakalma ng Tatlong-others.

"Tama na Sakuragi!" awat ni Daisho

"Kawawa yung mga langgam. Dinurog mo sila!" naiiyak na sabi ni Nishizaki.

"Paano ka ba nagkaroon nyan sa katawan?  Kanina ka pa naglaro sa court ah." tanong ni Hanagata na nagtataka.

Agad nagsiiwasan ng tingin ang Tatlong-others.

Tiningnan sila ng masama ni Hanamichi.

"Hoy, Tatlong-others. May hindi ba kayo sinasabi sakin?" tanong nito sa kanila.

"Hoy ka rin. Wala kaming alam." Watanabe

"Wag mo silang pagbintangan..."

Napatingin si Hanamichi sa nagsabi nun. At doon ay nakatingin sa gawi nila si Fukuda na nakaekis ang kamay.

"Mabuti nga at nagawan ni Jin ng paraan na mapalabas ka sa court para may konting pahinga ka." sabi ulit ni Fukuda.

Tumaas ang isang kilay ni Hanamichi na nagtataka.

"Anong si Jin?"

"Hindi mo pa rin ba maintindihan? Ang bagal talaga ng utak mo." Fukuda

"Sabihin mo na lang pinapaligoy mo pa eh!"

"Kanina, dun sa malaking haligi sa likod ni Haruko..." panimula ni Fukuda at tinuro ang likurang bahagi ni Haruko.

Napatingin din si Haruko sa tinuro nito at nagulat siya ng...

"Hala oo nga noh? May mga langgam dito... At ang lalaki pa!"

Gulat si Haruko nang makita nya ito na naglalabas-masok sa isang crack na bahagi ng haligi.

"Akala ko talaga nagbibiro si Jin sa sinabi nya samin. Tinotoo nya pala. Akala ko isa lang ang kukunin nya, tatlo pala..." nakaismid na sabi ni Fukuda.
"Naalala mo yung tinapik ka ni Jin sa balikat? Doon nya nilaglag ang mga langgam para kagatin ka daw hanggang sa mamatay ka." dagdag pa nito.

Tila pumutok ang ugat sa ulo ni Hanamichi sa nalaman nya.

Isang mainit na usok ang lumabas sa lahat ng butas ng mukha nya.

Dahil sa inis ay sumulong ito sa gilid ng court malapit sa coaching box ni Fujima.

"HAYOP KA JIN! UMALIS KA DYAN SA COURT! NAPAKADEMONYO MO!" inis na sigaw ni Hanamichi na to the rescue namang umawat ang Tatlong-others.

Samantala sa court, ang naka 3-point pose na si Jin ay napangisi sa sinigaw ni Hanamichi sa kanya at nagshoot.

*Shoot!*

"YAHOOOOOOOOOOO!

AYOOOOOOOOS!

APAT NA TRES NA SUNOD-SUNOD!

JINNNNNNN!" hiyawan ng mga tao.

Nakangiti namang nag-apiran sina Jin, Ikegami, Sendoh, Maki at Kiyota.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now