CHAPTER 7:

907 28 2
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 7:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"GOAL TENDING VIOLATION!... White Number 6!" Sigaw ni Mari habang nakaturo kay Hanamichi.

"ANO!!!" Sigaw ni Hanamichi.

Dali-daling lumapit si Hanamichi kay Mari.

"Uyy paano naging Violation yun? May galit ka ba sakin Mari? Sabihin mo! Palibhasa isa ka sa mga Friends ni Fujiboo kaya pareho kayo ng ugali." Mangiyak-ngiyak na tanong ni Hanamichi habang tinuturo ang sarili.

Napabuntong hininga muna si Mari bago sumagot.

"Talagang Violation yun, Sakuragi. Isa pa, isa sa mga basic rules ng basketball ang huwag pakialaman ang bola habang nasa rim or nasa ring area, kundi mapupunta sa kanila ang puntos." Paliwanag ni Mari.

Napanganga si Hanamichi... "K-kung ganun, yung puntos..."

"Ayos lang yan Hanamichi! Ang galing parin nun!" Sigaw ni Takamiya at binago ang score mula 16-23 ay naging 16-25 na.

"WHAAAAAHH HINDI MAARI!" Hanamichi

"Hindi ka parin nagbabago Hanamichi! Sa tuwing pumapasok ka sa court sasalubungin ka agad ng Foul! BWAHAHAHA!" sigaw ni Ohkusu habang malakas na tumatawa.

"Tumahimik ka dyan Amerikanong Hilaw!" Naiinis na sigaw pabalik ni Hanamichi.

*Pakk!*

Napatuwid ng tayo si Hanamichi nang may pumalo sa pwet niya. Napatingin siya sa may gawa nun at nakita niya si Kiyota.

"Grrrrrrr ikaw Matsing ka, bakit mo ginawa yun?!" Inis na tanong ni Hanamichi.

"Hindi na masama, Unggoy." Nawala ang inis ni Hanamichi nang ngumiti si Kiyota sa kanya. "Aaminin ko... Walang laro mo ang hindi ako napapahanga." Dagdag pa nito.

"Matsing?" Nagtataka si Hanamichi sa sinasabi ni Kiyota.

Lumapit si Kiyota sa kanya at bumulong...

"Bakit hindi na lang tayo magtulungan para matalo natin sina Maki? Diba gusto mong talunin dati si Sendoh?" Nakangising bulong ni Kiyota sa kanya na ikinagulat ni Hanamichi.

"Ang dating Ace Player ng Kainan at Ryonan---" pinutol ni Kiyota ang sasabihin niya.

"Ano ka ba! Ace Player din tayo diba? Ako lalabanan ko si Maki, at ikaw 2nd Ace player ng Shohoku tatalunin mo si Sendoh. Para magawa yun, kailangan nating magtulungan." Kiyota

Napatingin si Hanamichi sa kanya na tila nagdududa sa mga sinabi ni Kiyota.

"Magtutulungan tayong dalawa?" Panigurado ni Hanamichi.

"Oo, Preh. Dito mismo sa basketball court."

"Baka naman inaalaska mo lang ako?"

"Sira ulo ka, ako na nga tong nag-aalok ang arte mo pa!"

"Sigurado ka ba talaga?"

"Oo nga!" Kiyota

(Pumito...)

"OKAY BOTH TEAMS! Balik kayo sa mga perspective area niyo!" Sigaw ni Mari.

Nagsibalikan naman sina Hanamichi at Kiyota sa Area nila.

Habang naglalakad sila, tinawag ni Kiyota yung tatlo na sina Ikegami, Watanabe at Nishizaki.

"Lumapit kayo team!..." Inakbayan ni Kiyota sina Watanabe at Nishizaki. "Makinig kayo, hindi na pwedeng matalo pa tayo ng mga Sempai natin. Magtiwala tayo sa isa't-isa at---" naputol ang sinasabi ni Kiyota nang magsalita si Watanabe.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now