CHAPTER 15:

703 21 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 15:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Ngayon alam ko na kung bakit siya ang dating secret weapon ni Coach Anzai." Napatawa ng mahina si Coach Mifune.

"Ang masasabi ko lang po, Coach. Mukhang sila na ang maging bagong Top 1 College Basketball Team dito sa Japan." Sabi pa ng Manager ng Kanagawa.

"Paano mo naman nasabi, Sora?" Coach Mifune

"Kasi po, Coach... Nung wala pa ang tigdadalawang player ng Ryonan, Shoyo at Kainan sa Tokyo Team ay nasa Top 3 po sila noon. Kaya nung dumating na sina Sendoh, Fukuda, Hanagata, Fujima, Jin at Maki doon na po nagsimulang umangat ang Team nila at napalitan nila sa pagiging Top 2 ang Toyotsu Team." Sora

"Kaya nakakasiguro ka na ang bagong First Five ng Tokyo ang mag-aangat sa pagiging Top 1 Team?" Coach Mifune

"Opo, Coach... Sa tatlong Trainee Players ng Nissin at Ace Player ng Kainan at Shohoku nakakasiguro po ako." Sora

"Hmmm..." Napatingin sa court si Coach Mifune.

"SLAAAAMMMM..." Hanamichi

"Ang taas niyang tumalon..." Coach Mifune

"DUNK!!!" Hanamichi

*DUNK!*

"WOOOOHHOOOOOOOO!!!" Hiyawan ng mga manonood.

"HANAMICHI!!!" Sigaw ng Apat na Ungas.

"ANG GALING MO SAKURAGI!" Tuwang cheer ni Haruko.

"ANG GALING MO PULANG BUHOK!!!"

Halos mabibingi ka sa lakas ng hiyawan ng mga manonood sa loob ng Gymnasium.

"Aba, nakapagdunk lang si Hanamichi nagsilabasan na agad ang mga Fans niya." Nakangiting sabi ni Sendoh at inilibot niya ang paningin niya sa gym.

"Akalain mo, malakas pala ang dating ni Sakuragi." Hanagata

"Nasaksihan ko na yan dati, walang tao ang hindi mapapahanga sa galing ni Sakuragi sa basketball lalo na sa rebound." Maki

"Tama ka, Maki." Jin

Masayang nakipag-apiran si Hanamichi sa kateam nito.

"Ang galing mo, Sakuragi!" Tuwang sabi ni Watanabe.

"NYAHAHAHAHA ganyan talaga ako maglaro, Bentoy!" Hanamichi

"Nakakainis na yang Bentoy mo, Sakuragi... OKAY, TEAM! BALIK SA DEPENSA! WAG SILANG HAYAANG MAKAPUNTOS!" Sigaw ni Watanabe

"OO!!!" Sila

Sampung minuto na lang ang natitira sa First-Half. Kahit na nakagawa ng puntos ang Team Kanagawa pero sunod-sunod naman ang puntos ng Team ng Tokyo kapag sila na ang gumagawa ng opensa.

Dahil sa Dunk ni Hanamichi Sakuragi ay hindi nagpapatalo si Nobunaga Kiyota, pinakita niya sa lahat ng manonood na hindi lang si Hanamichi ay may maipagyayabang. Pinakita niya sa lahat kung paano maglaro ang ACE PLAYER na mula sa KAINAN.

Dahil sa determinasyon nakapuntos ng 10 points si Kiyota sa Jumpshot at Lay-up shot. Kahit na ganun ay napahanga si Maki at Jin dahil kahit kunti lang ang nagawang puntos nito ay nagagawa niya ng mabuti ang kanyang responsibilidad sa court, ang matibay na opensa at depensa. Asa dating first year na gunggong na palagi nilang sinasaway ay hindi nila aakalain na magiging Ace Player ito ng Kainan.

Si Sendoh at Hanagata naman ay napamangha rin kay Hanamichi, kahit 6 points lang ang ambag nito ay sinakop niya naman ang Rebound Record. Mula sa pagpapalpal ng bola, paggawa ng Fly Swatter at Air Blocking at pagiging HARI SA REBOUND.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now