CHAPTER 59: Tokyo Vs. Kanagawa

462 18 1
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 59: TOKYO VS. KANAGAWA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Pagkatapos ng laro nila sa first-half ay mayroon silang ilang minutong break.

Sa Team's Bench ng Tokyo, nakaupo si Hanamichi habang umiinom ito ng tubig pati na rin yung iba.

"Sakuragi..." tawag ni Haruko sa kanya at nilapitan ito.

Bigla itong napatigil sa pag-inom saka pinunasan agad ang bibig at tiningnan ito si Haruko.

"H-Haruko... Hehehe..." nagsimula na namang pumula ang pisngi niya.

"Tanggapin mo itong bimpo oh, naliligo ka na kase sa sarili mong pawis." nakangiting sabi ni Haruko sa kanya.

Ngumiti si Hanamichi sa kanya at tinanggap yong bimpo ng buong puso. "Salamat Haruko... Sa pag-aalala sa akin."

"Maliit na bagay, Sakuragi." Haruko

"Hehehehe..."siya

"Alam mo ba... Na maganda ang pinapakita mong laro ngayon?" Haruko

"H-Ha? Talaga?"

"Oo naman, kahit na foul ka kanina, nakita kong ginawa mo ang lahat para makabawi..." lumapit siya kay Hanamichi at umupo sa tabi nito. "Para sa akin, Sakuragi. Gumagaling ang bawat laro mo sa paglipas lang ng maikling oras o panahon." dagdag pa ni Haruko.

"T-talaga Haruko? Gumagaling ako?" nahihiyang tanong ni Hanamichi habang nakaturo ito sa sarili niya.

"Oo, sa palagay ko nga. Mukhang magiging madali sayo ang first round na'to." Haruko

"Aba syempre naman! Sa Henyong ito balewala lang sila NYAHAHAHAHAHA!" napatayo si Hanamichi habang tumatawa.

Habang tumatawa ay aksidente niyang nahulog sa sahig yung bimpo na binigay sa kanya ni Haruko.

"Sakuragi nahulog mo yong..." pupulutin na sana ni Haruko yung bimpo ng...

Sabay nilang nahawakan ni Hanamichi yun.

Nanlaki ang mga mata ni Haruko nang makita niya ang hitsura ni Hanamichi na sobrang lapit sa kanya.

Napatitig si Haruko sa mga mata niya.

"S-Sakuragi..." tanging sambit nito.

"Haruko..." Hanamichi

"Sanaol!"

Agad napahiwalay si Haruko dahil sa may kung sinong nagsabi nun.

"P-Pasensya na Sakuragi, hahaha gusto ko lang naman kunin yon para sayo." naiilang na sabi ni Haruko at napakamot na lang sa pisngi niyang namumula.

Samantala si Hanamichi.

"Sssssssssss... SENDOH!!!" naniningkit na sigaw ni Hanamichi kay Sendoh na nakapeace sign sa kanya.

"Ayy hahaha, naistorbo ko ba?" nakangiting tanong nito na tila walang ginawa.

"AMININ MO NAIINGGIT KA NOH?!" sigaw ulit sa kanya ni Hanamichi.

"Hindi ah..." Sendoh

"nakakainis ka!" Hanamichi

"Concern lang ako, wala kase kayo sa private place." Sendoh

"Nagdadahilan ka pang, Mangingisda ka!" hindi parin maalis kay Hanamichi yung inis.

"team..." natahimik silang lahat nang magsalita si Fujima.

"Bakit Fujima?" Tanong ni Hanagata.

"Ehem... Gusto ko lang sana sabihin na... Sa pagkakataong ito ay hindi na natin ito palalampasin. Kung ano mang score na meron tayo ngayon ay sana tuloy-tuloy na. Kahit mga dating kasamahan at kaibigan natin sa Team ang kalaban natin ngayon, wag nyong aalisin sa isipan niyo na nasa 'College Matches' na tayo at parehong nasa magkaibang kuponan na..." panimulang pangaral sa kanila ni Fujima.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now