CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita

752 34 8
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 89: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa apat na araw na natira ay walang ibang ginawa si Hanamichi kung ang magtraining...

Nang magtraning ng mabuti.

Apat na araw niyang pinagdaan ang mga hirap na hindi pa niya naranasan sa kanyang dating training.

Matulin na takbo sa mabuhanging lupa,

Jumpshot laban kay Muzaka,

At air blocking, rebound at dunk habang dinedepensahan nina Yuki at Zakusa.

Lumipas pa ang ilang araw hanggang sa nakatakda nang magtipon ang lahat para sa paghahanda sa susunod na laban kinabukasan.

Ang lahat ay nagtipon sa loob ng gymnasium tanging sina Haruko at Hanamichi na lang nag hinihintay.

Sina Maki, Sendoh at Fujima naman ay nakatayo sa gitna at hinihintay na makumpleto ang lahat. Si Mari naman ay nilabas ang isang maliit na bag na may laman na video tapes. Dinala naman nina Daisho at Watanabe ang maliit na tv na kayang paandarin ang video tape.

Mag-aalasingko na ng hapon nang saktong dumating sina Hanamichi at Haruko.

Nakangiting kumaway si Haruko sa kanila.

"Kamusta! Pasensya kung huli kami."

"Hindi naman, sa katunayan ay sakto lang ang pagdating niyo." sabi ni Fujima sa kanila.

Napatingin naman ang iba kay Hanamichi na nakasando ng puti at pulang shorts habang ang sapatos nito ay bitbit parin ng kamay niya.

Nagtaka naman ang iba.

"Wala ba siyang balak magsapatos?" tanong ni Jin.

Kumibit balikat lang si Fukuda.

"Halika na Sakuragi! Kailangan niyong mapanood ang mga video tape na'to. Mahalaga 'to para sa laban niyo bukas sa Akita!" sigaw ni Mari sa kaniya.

Kaya pumunta si Hanamichi at Haruko sa gawi nila.

Ang lahat ay nakaupo sa sahig, naglagay ng tape si Mari saka pinaandar ang tv.

At duon ay tumambad sa kanila ang laro Akita laban sa Kanagawa.

"Yan ba yung laro nina Koshino laban sa Akita?" tanong ni Ikegami.

"Oo, at dito niyo magpaaralan kung paano niyo maiwasan ang mga dahas nilang galawan." sagot ni Mari.

"Mga dahas na galawan? Nakakainjure ba talaga ang laro nila?" tanong ni Nishizaki na nakahanda na maglaro lara bukas.

"Talagang nakakainjure. Kaya panoorin niyo'to." Mari

Habang nagpapakita sa screen ng tv ang laro ng Akita ay hindi nila maiwasan ang mapapikit dahil sa kaliwa't-kanang injury na nakuha ng mga Kanagawa sa kanila.

Nakita nila sa tv na dumugo ang ulo ni Takasayo, nainjury ang binti ni Muto, may pasa gilid ng mukha si Koshino at pasa sa gilid ng mata naman kay Yasuda.

"Grabe na yan."

"Grabe, parang hindi basketball."..

Lumipas pa ang ilang oras ay natapos nilang panoorin ang lahat ng tape ng Akita.

Tumayo si Maki at tinanong ang sila.

"Sila ang makakalaban natin bukas. Sa tingin niyo ay paano niyo maiwasan ang karumal-dumal nilang galaw sa court?"

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon