CHAPTER 5:

1K 29 10
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 5:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang magsimula na ang laro, si Hanamichi ay nasa bangko at pinapanuod ang laro sa pagitan ng mga First years laban sa mga 2nd at 3rd years.

Napatingin si Hanamichi kay Sendoh na binabantayan ang 'Top 1 Point Guard' ng Doju High na si Azuhe Watanabe. Mabilis na tumakbo si Watanabe papunta sa court ng Team nila. Habang nagdidribol ang Leading Scorer ng Ogata High na si Yuu Nishizaki, ipinasa niya kay Watanabe ang bola. Pero nagulat si Nishizaki ng hindi yun napunta kay Watanabe, kundi kay Sendoh.

"Okay, Team! Sa atin ang puntos ngayon!" Hinagis ni Sendoh ang bola kay Maki pero nasalo yun ni Kiyota.

"Masyado kang mabagal, pareng Sendoh!" Nakangising sabi ni Kiyota at mabilis nagdribol papunta sa ring ng mga first year.

Pumwesto si Kiyota foul line para ihanda ang gagawin niyang Jump Shot. Tumalon siya ng mataas pero nasupalpal yun ni Maki at naagaw yun.

"Whaaaahh Maki!" Napasigaw si Kiyota.

"Hindi porket naging Ace Player ka na ng Kainan Kiyota ay matatalo mo na ako. Wag mo'kong mamaliitin." Nakaismid na sabi ni Maki at mabilis na nagdribol.

"Fast Break!" Sigaw ni Sendoh.

Habang nagdidribol si Maki nakita niyang bakante si Fukuda. Nagtinginan sila ni Fukuda at mabilis niya naipasa ang bola.

Pagkatanggap ni Fukuda bumungad sa harapan niya ang mukha ni Ikegami, ang dating kasamahan niya sa Ryonan.

"Kilala ako bilang Offensive Treat, Ikegami. Kaya humanda ka." Sabi ni Fukuda.

"Kilala rin ako bilang Defensive Specialist, kaya hindi ka makakalusot sakin Fukuda." Sagot ni Ikegami.

Napaismid si Fukuda. Kahit magaling siya sa opensiba ay hindi niya magawang lusutan ang depensang ginagawa ni Ikegami sa kanya. Walang nagawa si Fukuda kundi ipinasa niya pabalik kay Sendoh ang bola na mabilis na tumatakbo sa loob ng area nila at gumawa ito ng maningning na 3-Point Shot.

"Ayos!" Sendoh

Tumakbo siya pabalik at nakipag-apiran kay Fukuda.

"Okay, 3 points para kay Sendoh!" Sabi ni Takamiya at binago ang puntos.

"Ang galing ni Sendoh." Mito

"Oo nga." Noma

"Di tulad ni Hanamichi, bangko!" Ohkusu

"Tumahimik kayo mga maderpaker!" Sigaw ni Sakuragi sa apat.

"Ang galing ng pasa ni Fukuda." Sabi ni Fujima kay Sakuragi.

"Pweh! Pang low class yun kaya hindi magaling." Masungit na sagot ni Hanamichi.

"3 minutes na lang! Galingan niyo pareho!" Sigaw ni Mito sa kanila habang nakahawak sa Stop watch.

17 minutes na ang nakalipas sa first half, ang score ng mga 1st year ay 16 at sa mga 2nd&3rd year ay 19.

"Masyado nang mahaba ang oras ang nagamit nila pero yan lang ang mga scores nila... Nagpapatunay lang na parehong magagaling ang mga first years at mga Sempai nila." Sabi ni Fujima kay Sakuragi.

"Pansin ko rin, Fujiboo. Pero... MAS GAGALING ANG TEAM NG FIRST YEAR PAG IPINASOK MO NA AKO! GUSTO KO NANG MAGLARO!" Ubos pasensiyang sabi ni Sakuragi kay Fujima.

(Pumito...)

Napatingin sila sa court.

"5 Seconds Violation, White number 9!" Sabi ni Mari.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon