CHAPTER 11:

692 24 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 11:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

HANAMICHI SAKURAGI'S POV

Maaga akong pumasok tulad ng sinabi ni Mari samin kahapon. Ngayon nandito kaming lahat nagtitipon na para makahanda na sa pag-alis... maliban na lang may Sendoh.

"Na saan na si Sendoh? Wala pa rin ba?" Tanong ni Fujima na kakarating lang din kasama si Hanagata.

"Siguradong mahuhuli yun." Fukuda

"Si Sendoh pa, palagi yung late kahit nung nasa Ryonan pa kami." Ikegami

"PWEH! AKALA KO AKO NA PALAGI YUNG HULI... HINDI KO AKALAIN NA MAS MALALA PA PALA SI SENDOH SAKIN! Bwhahaha!" Sabi ko sa kanila sabay tawa.

"Ang ingay mo, Unggoy! Ang baho ng hininga mo!" Matsing

Aba! Loko to ah? Inaano ko ba to?

"Mas mabaho ang hininga mo! Amoy panis!" Sabi ko rin sabay benelatan siya. "Bleeehhh..."

"Grrrrrrr ikaw---" akmang susugod siya sakin ng pigilan siya ni Lolo.

"Ang aga-aga umiinit ka na agad. Bakit hindi mo kaya yan ipunin para sa practice game nyo mamaya." Sabi ni Lolo sa kanya.

"Sabi mo, Maki eh." Sagot nya at tumahimik na lang.

"Uy, kumusta! Mabuti at nakahabol pa ako sa oras kaya muntik na akong ma-Late." Bati ni Sendoh samin.

Tiningnan ko siya ng masama... "Anong muntik na pinagsasabi mo dyan? LATE KA NA!" Maagang bulyaw ko sa kanya.

"Ahahaha pasensya na Hanamichi, may tinulungan pa kasi akong pusa doon na hindi makababa sa puno kaya---" pinutol ni Ikegami ang sinasabi niya.

"Bulok na yang palusot mo, Sendoh. Nasa Ryonan pa tayo nang palagi mong nirarason yan." Masungit na sabi ni Ikegami.

"Ahahaha totoo naman eh." Napakamot sya sa batok niya.

"Oh! Mukhang kumpleto na tayo. Hintayin na lang natin si Haruko." Nakangiting sabi samin ni Mari.

Oo nga noh? Nasaan na nga pala yung Haruko my loves ko?

"HANAMICHI!"

"HANAMICHI!"

"HANAMICHI!"

"HANAMICHI!"

"Sakuragi!" Napalingon ako sa tumawag sa apilyedo ko.

At nakita ko si Haruko kasama ang mga kaibigan niya pati na ang apat na Ungas.

"H-Haruko?" Nakangiti kong salubong sa kanya.

"Handa na kaming sumama inyo!" Napatingin kami kay Takamiya.

"Sasama kayo?" Fujima

"Oo, para naman may taga-cheer yung team natin." Mito

"Oo nga, hindi naman kami papayag na yung kalaban nyo lang ang meron." Ohkusu

"Magchecheer kami para sa team nyo at saka gusto naming panuorin ang kapalpakan ni Hanamichi." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Noma.

"Noma..." Tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Sagot nya at agad ko siyang hineadbutt.

*Boogsh!*

"Hahaha oo nga! Yung kapalpakan ni Hanamichi ang magdadala ng kahihiyan sa Team nyo! NYAHAHAHA!" Sabi ni Takamiya at nagtawanan sila ni Ohkusu.

"Kayong dalawa..." Pinagheheadbutt ko rin silang dalawa.

*boogsh!*

*boogsh!*

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon