CHAPTER 99: Tokyo Vs. Akita

712 39 14
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 99: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Ipinasok na ni Coach Zakusa si Kiyota sa court upang may kasama si Hanamichi para mapigilan ang kalokohan ng Akita Team sa loob ng court.

"Aba, pinasok na yung Matsing!" sabi ni Mito.

"Dagdag panggulo na naman sa court." sabat ni Takamiya.

"May partner in crime na rin sa wakas si Hanamichi." nakangising sabi ni Okhusu.

"Aminin niyo... malakas ang tandem ng dalawang Gunggong na yan." sabi rin ni Noma saka tumawa ng mahina.

"Oo, tama ka. Hindi nga lang tulad nito..." napakamot na lang ng pisngi si Mito habang nakatingin sa court.

At doon ay nagsasakalan na ang dalawa.

"Kung wala ako sa court talo yung team natin!"

"Ang yabang mo talagang Unggoy ka! Halos pitong minuto ka lang naman dito!"

"Inggit ka lang matsing ka! Kase ako starting player at ikaw naman bangko! NYAHAHAHAHA---"

*BOOOOONKKK!*

Sabay na napahawak sa ulo ang dalawa nang makatikim ulit sila ng sapok ni Maki.

"Tumigil kayo." suway ni Maki.

"Deserve." ismid na sabi ni Jin.

"Shattap!" Hanamichi

Pumito na naman ang Referee, hudyat na kailangan na nilang ipagpatuloy ang laro dahil ilang minuto na ang nasayang nila.

Ang mga Company Coaches naman ay kanya-kanyang dagdag ng linya sa mga performance ng mga players nang sa ganun ay makapagplano kung alin sa mga players ng Tokyo at Akita Team ang maimbitahan at maglaro para sa kanilang kuponan.

Hindi kailangang magmadali ng mga Company Coaches dahil gusto din nilang mapanood kung paano maglaro ang mga bangkong players ng parehong kuponan.

Dahil ang Tokyo Team ang huling nakahawak sa bola nang napatawan ng foul ang isa sa mga player ng Akita Team, kaya sa kanila pa rin ang bola.

Hawak ng Referee ang bola at binigay yun kay Sendoh.

"Ituloy niyo na ang laro." sabi ng Referee.

"Opo. Salamat po." pasalamat ni Sendoh at tinanggap ang bola.

Nakita naman ang Akita Team na hawak na nila ang bola. Kaya nag form agad sila ng depensa.

"Si Nobunaga Kiyota yun ng Kainan ah?" tanong ni Itakura.

"Edi may bago na naman tayong patumbahin." sagot ni Kishimoto.

"TAYO NA TEAM!" pukaw ni Sendoh sa kanila.

"OO!!" sagot nila.

"Bilis! Depensa! Wag niyong hayaan na madagdagan pa ang lamang nila-pyon!" sabi rin ni Fukatsu sa kanila.

Agad na pumwesto at ginawa ang nakaplanong depensa nila.

Nag-unahan sa pagtakbo sina Kiyota at Hanamichi para makapasok sa defense zone ng kalaban. Sa pagkakataong ito ay hindi na nababahala si Hanamichi kung macorner siya dahil nandyan naman si Kiyota na reresbak at pumuntos para sa Team.

Kahit hindi man aminin ni Hanamichi mismo sa kanyang bibig ay yun ang nakikita niya.

"Maki!" pasa ni Sendoh sa bola.

Nag bounce-pass siya kay Maki bago pa siya nalapitan ni Matsumoto. Si Itakura naman ay nakatingin na naman kay Jin. Balak nyang patalsikin ang best tres shooter ng Tokyo Team.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon