CHAPTER 6:

856 25 0
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 6:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"Ano Hanamichi? Handa ka na ba maglaro para sa sencond half?" Tanong ni Mito kay Sakuragi na nagwawarm-up.

"Aba! Kanina ko pa gustong maglaro kaso parang magalit sakin si Fujima kaya binangko ako." Sagot ni Hanamichi.

"Hahahaha! Parang si Coach Anzai lang nung una, Hanamichi. Kaya lang mas malala yun kase isang lingoo kang nagpraktis ng dribol sa sulok." Natatawang sabi ni Mito.

"At idagdag mo pa si Gori na nakahandang batukan ka Hanamichi." Sabat ni Takamiya.

"Pati si Rukawa na hindi nawawala ang salitang 'Gunggong' sa tuwing nakikita si Hanamichi." Ohkusu

"Pakisali na din yung Gangster Player na bungal at yung Small Terrible." Noma

"Ano ba naman kayo! Pinapaalala niyo sakin ang nakaraan eh. Nasa bagong panahon tayo... KAYA MAG BAGO NA RIN KAYO MGA UNGAS!" Sabay napatakip sa tenga ang apat dahil sa sigaw ni Hanamichi.

"Uy Hanamichi, bakit mo inaaway ang mga tropa mo?" Napatingin si Hanamichi kay Sendoh.

"Pinagtutulungan ako ng mga mokong eh!" Sagot nya kay Sendoh.

"Hahahaha! Ganyan talaga pag mag tropa, hindi nawawala ang asaran." Natatawang sabi ni Sendoh.

Napatingin silang lahat ng makita nila si Maki na malakas na pumalakpak.

"Okay Team! Assemble!" Tawag ni Maki sa kanila.

Lahat sila lumapit kay Maki. Lumapit din si Fujima at Mari sa kanila.

"Okay, sa second half na tayo. Base sa laro nyo sa first half, naobserbahan ko na mahigpit ang depensang ginagawa ni Ikegami kay Fukuda, si Kiyota naman tinatapatan ang galing ni Maki, si Nishizaki ay nakikita kong magaling sa 3-point shots kaya lang nasasablay dahil kay Jin. Si Watanabe naman ay sinasabayan ang bilis at lakas ng kumunikasyon sa kani-kanilang team at galing ni Sendoh. Si Daisho naman, walang problema sa opensa at depensa niya, kaya lang sa rebound natatalo siya ni Hanagata." Mahabang anunsyo ni Fujima sa kanila.

"Pasensiya na po, Coach!" Yumuko si Daisho.

"Ayos lang, Daisho. Unang laro mo palang kase laban sa mga sempai niyo, pero papalitan ka muna si Sakuragi." Fujima

"Aba! Talagang makakapaglaro na ako!" Tuwang sabi ni Hanamichi.

"Ano! Maglalaro ka na kasama namin, Unggoy ?" Naningkit ang mga mata ni Hanamichi sa sinabi ni Kiyota.

Lumapit si Hanamichi kay Kiyota at tiningnan ito ng matalim sa mga mata.

"Eh ano ngayon Matsing?!" Masungit na tanong din ni Hanamichi.

"Ayokong maglaro kasama ka Unggoy!"

"Aba! Sa tingin mo ba gusto ko rin maglaro kasama ka, Matsing?!"

"Ang panget mo maglaro, Unggoy!"

"Mas panget ka Matsing!"

"Mas panget ka Unggoy!"

"Ikaw ang pinakapangit na Matsing!"

"Ikaw Unggoy!"

"Matsing ka!"

"Unggoy!"

"Matsing!"

"Unggoy!"

Mas lalong naging matalim ang tingin ni Hanamichi at Kiyota sa isa't-isa na parang handa nang magpsalpukan.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now