CHAPTER 93: Tokyo Vs. Akita

682 38 13
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 93: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Nang sabihin ni Hanamichi ang mga katagang iyon ay napaismid na lang si Masashi.

"Ang yabang talaga kahit kailan. Hindi na nagbago." sabi ni Masashi sa kanyang isip.

Kaya sa unang bente minuto ang unang nakapuntos ay ang Tokyo Team, salamat kay Hanamichi.

"Ang bilis ng pasa ni Sendoh. Hindi man lang tumagal ng dalawang segundo." sabi ni Sawakita.

Tumango naman si Rukawa na sumang-ayon sa sinabi niya.

"Pero simula pa lang yan ng laro. Hindi natin alam kung lalagi yan sa buong laban." sabi rin ni Rukawa.

Si Hanamichi ang unang pumuntos kaya ang bola ay mapupunta sa kuponan ng Akita.

Hawak ni Matsumoto ang bola.

Hinanda ni Jin ang kanyang sarili para sa depensang gagawin.

"ANG BILIS NYA!"

"MATSUMOTO!"

Mabilis na dinribol ni Matsumoto ang bola palabas ng half-court nila.

Agad siyang dumating sa shooting-guard area.

Umatake naman ang sina Fukatsu, Masashi, at Minori sa loob ng area. Samantala sina Itakura at Matsumoto ay naiwan sa outer area para sa gagawin nilang distraction offense para sa Tokyo Team.

Kasama agad ni Masashi si Hanamichi sa ilalim ng ring para sa baka sakaling palya na tira.

Hinarangan ni Jin si Matsumoto.

Pero agad binaba ni Matsumoto ang kanyang sarili para hindi maabot ni Jin ang bola at ginawa niya ang through the legs ball handling.

(Bouncing...)

'Saka pinalusot ang bola mula sa ilalim ng ring.

"Nakalusot!" Jin

Tumalbog ang bola patungo kay Itakura.

"Ang bola!" sigaw ni Fujima na nasa bangko ng Tokyo Team.

Rumesbak naman si Sendoh para pigilan ang intensyon nitong tumira.

Pagkalapit ni Sendoh ay tumira agad si Itakura.

Habang papalapit ang bola ay...

*Pak!*

Biglang sumulpot ang kamay ni Hanamichi para mawala ang momentum ng bola.

Napahanga ang mga Scoring Coaches sa Scoring table.

Namangha sila sa taas ng talon niya, kapag nagkamali si Hanamichi sa pagbagsak sa sahig ay siguradong mainjury siya.

Pero,

Hindi ganun ang nangyari.

"Ano?" nagulat ang Head Coach ng Nation Federation.

Nakita niya si Hanamichi na mula sa pagtalon ng sobrang taas ay wala pang isang segundo ay tumakbo agad ito palapit sa ring para abangan ang rebound.

*Tssk!*

Tumama ang bola sa ponta ng ring.

"REBOUND!!!" sigaw ng mga tao sa gymnasium.

Tumalon agad si Masashi para kunin ang rebound.

Sumabay naman sa kanya si Hanamichi.

"Akin yaaaaaaan!" sigaw ni Hanamichi.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now