CHAPTER 111: Tokyo Vs. Akita

650 46 14
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 111: Tokyo Vs. Akita

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Eksaktong 14 minutes na lang ang natitira sa labang ito, at ang kasalukuyang kuponan na lamang ay ang Akita Team na may puntos na 61 points kaysa sa Tokyo Team na 58 points. Naging lamang sila dahil sa binitawang tatlong sunod-sunod na tres.

Dahil sa mga tirang iyon ay napagdesisyunan ni Coach Zakusa na ipasok ang dalawa sa mga alas ng Tokyo Team. Ang perfect point guard na si Kenji Fujima at ang defensive specialist na Ryoji Ikegami para rumesbak sa laban.

Sa pagpasok nilang dalawa ay nagbulungan ang mga tao. Dahil ang kanina pang mga tahimik na players na ito ay sa wakas ipinasok na sa loob. Napatayo si Hasegawa at Ouzumi.

"ABA, DIBA YAN YUNG COACH NG TOKYO TEAM AT YUNG KAMUKHA NI MAKI?" Tanong na sigaw ng isang Akita supporter.

Agad nangiwi si Ikegami nang marinig niya yun. "Huh???... K-kamukha ko si Maki???"

"MALI KA TOL, MAS MUKHANG MATANDA SI MAKI TAPOS SIYA NAMAN ANG PANGALAWA."

"M-Matanda ako???" Maki

Pumagitna naman si Fujima sa kanilang dalawa at tinapik ang dalawa na huwag na lang pansinin yung mga pinagsasabi ng Akita Audience.

"Fujima..." Sambit ni Hasegawa.

"Ikegami..." Ouzumi

"Kuya Ryoji..." wika din ng kapatid na babae ni Ikegami na si Reiji.

"Sa wakas. Ito nag kauna-unahang beses na makikita ko si Kuya Ryoji na maglaro sa isang actual match, Kuya Jun." Sabi ni Rouji saka tiningnan si Ouzumi.

"Oo, at manood ka kung paano siya maglaro." Sagot nito.

"Ayos ah, yung kuya mo at ang kuya ko ay maglalaro ng sabay sa court. Ang galing!" Amaze na sabi ni Menaide kay Rouji.

Lumapit si Fujima kina Watanabe at Nishizaki.

"Magaling ang inyong laro, talagang pinatagal niyo ang pagpasok sa amin. Sige na, kami naman dito." Sabi ni Fujima sa kanila at sabay na tinapik ang kanilang pwetan.

*Pakk!*

"Okay po, Fujima." Sagot ni Watanabe.

"Galingan niyo po." Sabi ni Nishizaki sa kanila at sabay na silang naglakad palabas ng court.

Ngayon...

Maraming manonood ang may kanya-kanyang hula dahil baka magbago ang ihip ng laro ng Tokyo Team dahil sa dalawang sinubstitute na sina Fujima at Ikegami.

"Yow!" Nakangiting lumapit si Sendoh sa kanila at nag-apiran. "Laban na."

"Sakuragi!"

Pinasa ni Hanamichi ang bola kay Fujima.

"Tayo na Fujiboo!" Sagot nito.

Pumito ulit ag Referee, hudyat na kailangan na nilang ituloy ang laro. Bago nila simulan ang opensa ay nakipag-apiran muna si Maki kay Fujima.

"Okay." Sagot ni Fujima nang maintindihan niya ang ibig sabihin nun. "TAYO NA TEAM!"

"GOOOOOOO TOKYO!

FUJIMAAAA!

IKEGAMI!!

GALINGAN NIYO!"

Ang Akita Team ay inihanda ang sarili sa gagawing depensa para sa opponent team na kasalukuyang may tatlong malalakas na point guard na sina Maki, Sendoh at Fujima ang nasa loob ng court.

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now