CHAPTER 27: Tokyo Vs. Osaka

631 30 3
                                    

SLAM DUNK: COLLEGE MATCHES

CHAPTER 27: TOKYO VS. OSAKA

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Limang minuto na lang ang natitira para sa first half, ang score ng Tokyo ay 42 samantala ang Osaka ay 6.

Nangmistulang nabubuang ang mga nakabangkong player ng Osaka dahil sa Score nila.

"Waaaahhh Coach! Limang minuto na lang pero 6 score pa tayo!" sabi nung nakabangkong first year ng Osaka.

Napahilot ng ulo si Coach Ogata... "Pambihira..."

Sa pangkat ng Tokyo ay napahalakhak si Hanamichi at Kiyota.

"BWAHAHAHAHA..." tawa nila

"Hoy! Tigilan niyo na nga yan mga sira. Kanina pa kayo tawa ng tawa." suway sa kanila ni Nishizaki.

"BWAHAHAHAHA!..."

"Mga bwisit, ayusin niyo ang laro niyo... Ikaw Sakuragi may isang foul ka na at ikaw naman Kiyota ay dalawa na. Kapag nakatatlo ka na Kiyota baka ibabangko ka ni Coach Fujima..." Watanabe

"Ano bang sinasabi mo, Bentoy? Hindi ako ibabangko ni Fujima, kailangan niyo ang tulad ko dito at alam niya yun..." Mayabang na wika ni Kiyota.

"At ikaw naman, Sakuragi. Wag mo nang ituloy ang binabalak mo..." Watanabe

"Kausapin mo lelang mo, Bentoy." sagot ni Hanamichi habang nakangising nakatingin kay Morisuke.

"Makinig ka nga sakin!" Watanabe

"bili ka ng kausap mo..." Hanamichi

"Ang tigas ng mga ulo niyo!" sigaw sa kanila ni Watanabe at pinagbabatukan silang dalawa.

*BLAG!*

*BLAG!*

"Bahala kayong dalawa! Gawin niyo ang gusto niyo!" Watanabe

"SALAMAT!!" nakangiting sagot ni Kiyota at Hanamichi habang nakahawak sa mga bukol nila.

Napahawak sa ulo si Watanabe dahil sa kabalastugan nila.

(Pumito...)

Dahil sa foul na ginawa ni Kiyota ang bola ay nasa panig ng Osaka. Dinidribol ito ngayon ni Raito.

"Loko yung dalawang unggoy ng Tokyo ah? Kamuntikan na kaming mainjure nina Hayato at Miyojun. Kaasar talaga yung Kiyota at Sakuragi na yun!" naiinis na wika sa isip ni Raito habang nagdidribol.

"Kaasar, ito ang unang bases na nangyari to sa buhay ko. Malapit na matapos ang first half pero 6 points pa lang tayo..." Hayato

"Ganyan ba talaga kalakas ang top 2 great college team? Pambihira..." Miyojun

"Wag kayo mawalan ng pag-asa... Makakapuntos rin tayo." pampalubag loob ni Morisuke sa kanila.

"TEAM! WAG SILANG PAIISKORIN!" sigaw ni Watanabe.

"OO!!!!" sigaw na sagot rin ng apat.

Sa nakabangkong player ng Tokyo. Napangiti si Sendoh kay Watanabe...

"Ang galing pala nitong si Watanabe... Sumusunod sa kanya yung mga kasamahan niya kahit pa sina Hanamichi at Kiyota." Sendoh

"Oo nga, kahit magkabatch lang silang lahat... Pinapakinggan nila si Watanabe." Fukuda

"Isa lang ang ibig sabihin nyan..." napatingin sila Sendoh kay Hanagata.

"Ano yun, Toru?" Sendoh

"... Alam ng first line-up natin na si Watanabe ang mas magaling sa kanilang lima." Hanagata

SLAM DUNK #1: COLLEGE MATCHES [BOOK 1]✔️Where stories live. Discover now